Eddie Garcia, muling lalabas sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ para manggulo

Eddie Garcia

MAHABA ang bigote ni Manoy Eddie Garcia nang huli namin siyang mainterbyu para sa presscon ng Cinemalaya 2018 movie na ML (Martial Law). May dahilan daw kung bakit ganun ang itsura niya ngayon.

Babalik daw kasi siya sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni  Coco Martin.

 “Babalik ako do’n kaya ako nagpatubo ng balbas at nagpaputi ako ng buhok,” balita niya sa amin.

Ginagampanan ng beteranong aktor ang role ni Don Emilio na isang mafia leader sa Ang Probinsyano.  Inakala ng marami na patay na ang kanyang karakter, pero nagkakamali daw sila.

“Nagpagulong-gulong ako sa bangin, di  ba? Tapos merong flashback yon na napulot ako ng isang Igorot.

 “Mag-a-assume ako ng ibang pangalan. Lilituhin ko yung CIDG,” kuwento pa ng isa sa pioneer cast ng teleserye ng ABS-CBN.

May role pa ba siyang gustong gawin?

“Hindi naman ako naghahangad ng dream role, eh. Kung anong ibigay sa akin, tinatanggap ko,” huling pahayag ng beteranong actor-director sa amin.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.