Eddie Garcia, may iniinda ring karamdaman?!

TOTOO NGANG pinaka-mabisa talaga sa lahat ang dasal.

Ang daming nagdasal para kay Zsa Zsa Padilla kaya successful ang operasyon sa kanya na ginawa nu’ng nakaraang Martes.

Ang maganda pang balita, na-check daw na benign ang tumor na tinanggal sa kidney niya kaya masayang-masaya silang lahat.

Updated naman tayong lahat dahil nakakapag-tweet sina Karylle, si Zia at pati na rin si Zsa Zsa kung ano ang latest sa kanya sa Amerika.

Mabilis nga raw ang paggaling nito kaya gusto na nilang bumalik agad dito sa Pilipinas.

Walang tigil ang pasasalamat ni Zsa Zsa dahil alam niyang marami ang nagdasal para sa kanya. Masaya ang lahat nang nabalitaang maganda ang resulta ng operasyon at hindi nga malignant ang tumor na tinanggal sa kanya.

Gusto na nga siguro ni Zsa Zsa na bumalik sa trabaho pero ang payo sa kanya ng doktor ay pahinga muna ng dalawang buwan kaya dapat niyang sundin ‘yan.

Ang alam ko dapat ay kasali siya sa Mga Kuwento ni Lola Basyang na entry ng Unitel sa Metro Manila Film Festival, pero pinalitan na yata ni Angel Aquino dahil complete rest ang kailangan sa kanya.

Natuwa rin ang mga co-stars niya sa I Do Bidoo Bidoo, kaya hihintayin daw nila ang pagbalik dito ng Divine Diva, magpapa-block screening daw sila para sa kanya.

Sana nga maganda ang resulta ng I Do Bidoo Bidoo sa takilya para masaya lalo si Zsa Zsa sa kanyang pagbabalik.

 

PINAG-USAPAN DIN ang tungkol sa pagkakasakit ni Eddie Garcia na napabalitang isinugod daw ito sa hospital kamakailan lang.

Ang payo raw sa kanya ng doktor ay complete bed rest kaya napagdesisyunang huwag na muna siyang isali sa bagong fantaserye ng GMA-7 na may tentative title na Aso ni San Roque.

Ang balitang nakarating, siya na raw ang nakiusap na palitan na lang siya dahil gusto nitong magpahinga muna.

Usap-usapan lamang ‘yun dahil walang nagkumpirma sa pamilya ni Eddie kung ano talaga ang tunay niyang kalagayan.

Nang nakarating ito sa kanya, itinanggi naman niya. Ang sabi raw, nagpa-executive check-up lang daw siya kaya ito na-hospitalized.

Regular naman daw niyang ginagawa ‘yun dahil kailangan niya talagang masubaybayan ang kanyang kalusugan.

Sana nga ganu’n nga dahil marami pang puwedeng gawin si Manoy at dapat nga ay kasali siya riyan sa Aso ni San Roque dahil parang Bwakaw daw ang role niya riyan na isang matandang ba-ding.

Siya lang talaga ang bagay diyan. Pero ang latest na nabalitaan namin, papalitan na raw talaga siya dahil hindi na sa kanya puwede ang halos araw-araw na taping.

Pero isasali pa rin yata siya na hindi lang masyadong maraming taping days ang role na ibibigay sa kanya.

Habang nagdi-deadline ako, naka-schedule kinagabihan ang premiere night ng Bwakaw at alam kong dadalo si Manoy Eddie.

Tingnan na lang natin kung ano ang sasabihin niya tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

5 thoughts on “Eddie Garcia, may iniinda ring karamdaman?!

  1. I just hope Mr. Eddie Garcia is in well shape. He is one of the best, if not the best when it comes to his craft. Lalong malulugmok ang Philippine showbiz kung mababawasan na nmn ng isang katulad nya.  We will pray for you Manoy Eddie. 

  2. porke kasabayan ni eddie garcia si dolphy, ibig sabihin na nun ba susunod na rin si eddie ha lolita? napakalaking hukluban mo talaga lolita! kung ipagdasal mo na lang kaya sa mga nararamdaman ni eddie at hindi yung kung anu ano pa ang pinagsusulat mong huthuterang gurang ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.