Eddie Garcia, malakas pa rin ang karisma sa fans!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. Don’t make your Monday a blue Monday. Siyempre pa, Lunes na naman kaya dapat bago ang ating mga tsismax to the maximum authority of tsismis!

Uragon! ‘Yan ang bukambibig ngayon ng isa sa mga hinahangaan kong actor, bida, kontra-bida, director at isa sa mga haligi ng industriya at ang hanggang ngayon ay malakas pa na si Manoy Eddie Garcia.

Wala nga akong masabi sa artistang ito na wala pa ring kaere-ere sa katawan at hanggang ngayon ay malakas na malakas pa rin ang charisma, at ang dami pa ring nagpapakuha ng picture na akala mo, bagets na pinagkakaguluhan sa Marikina, sa may ilalim ng tulay nitong nakaraang Saturday. Kung saan, mapalad po ako na nakasama sa pelikulang Talo, Tabla, Panalo. Trilogy po ito at ang natoka kay manoy Eddie ay ang ‘Tabla’, kay German Moreno naman ay ‘Talo’, at kay Gloria Romero ay ‘Panalo’.

‘Eto na po. Habang hindi pa nag-uumpisang gumiling ang camera, first time ko pong nakadaupang-palad si Manoy Eddie. Sa tinagal-tagal ko na rin sa industriya, nagkakasama na kami. Halimbawa noong kasagsagan ng kampanya ni FPJ (RIP)

Sa pagka-pangulo, sila Tito Dolphy ang abalang-abala sa lahat ng mga artista, maliban sa dati nating Presidente Erap. Pero hindi kami nagkakausap. Noong Sabado lang po kami nagkaroon ng pagkakataong makausap ng one on one.

‘Eto na. Unang napag-usapan namin ay ang tungkol sa kontrobersiya sa kung sino ang dapat gawaran ng National Artist award. Kasi ako, ang suggestion ko, dapat isa rin siya sa mga karapat-dapat na bigyan, kabilang na si Dolphy, Rosa Rosal at Gloria Romero, bago itong mga halos kasabayan ko lang sa industry na sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Isang malalim na buntung-hininga, at biglang sinabi niya na dapat si Dolphy, bago man lang ito magpaalam dahil balita ko nga, nasa ICU pa rin.

Anyway, balikan po natin ang Talo, Tabla, Panalo. Inabot ng madaling-araw ang aming first shooting day, kung saan ito po ay idinidirek ng aking kaibigang King of Indie Films, na isa si Coco Martin sa nabigyan niya ng isang magandang role sa Ataul For Rent, at ito ay produce ng mabait na mag-asawang Amy Abarquez.

Habang gumigiling ang camera, biglang may pumaradang isang taxi at bumaba ang mag-asawang Amy Abarquez at ang kanilang nag-iisang anak na babae, kasama ang kanyang kapatid na may tungkulin din sa gobyerno.

Hindi na raw sila umuwi sa kanilang condo, bagkus ay tuluy-tuloy na sila sa shooting, kasi nakapangako raw sila na umaga pa lang, naroon na sila galing sa Los Angeles, California, at nakasabay nila sa airplane ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Ang sabi sa akin ni Amy, hindi naman daw niya hangad na kumita ang pelikula. Bagkus, ito raw ay isa sa mga advocacy niya, ang makagawa ng isang pelikula tungkol sa mga matatanda. Kasi rito sa ating bansa, wala man lang shelter ang mga matatanda, at hindi nga nabibigyang-pansin ng ating pamahalaan. Hindi tulad sa Amerika na malaki ang benepisyo na natatanggap ng isang senior citizen.

Naloka ako nang tanungin ni Amy si Manoy Eddie habang kumakain ng lunch. “Mawalang galang na po, p’wede po kayong tanungin nang personal?”

Sumagot naman ng okay si Manoy. Tinanong ni Amy kung may asawa at pamilya si Manoy. Nalaman naming may asawa siyang isang banyaga. Tatlo ang naging anak niya, at isa lang ang buhay na nasa abroad na. Patay na rin ang kanyang unang asawa, at may kinakasama raw siya sa ngayon, pero hindi na sila nagkaanak.

Nakakaaliw namang kausapin si Manoy Eddie. Kasama pala namin ni Manoy Eddie sa episode na ‘Tabla’ sina Tia Pusit, Isadora, Whitney Tyson, Jimmy Concepcion, at si Basti. Isang bulag po ang ginagampanan ko rito. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: Sino itong actress-comedienne na medyo may edad na, pero kinalolokohan pa rin ng bagets?

Batam-bata ang papa niya ngayon na biglang naloka raw, kasi ngayon lang nakakita ng vagina at napasigaw raw ng OMG!

Nagtanong daw ang bagets kung bakit ang pula-pula ng vagina ng actres-comedienne. Sagot naman daw nito, kasi ginasgas daw ng bagets.

Resulta, na-highblood si actress at dinala sa hospital dahil nasobrahan daw ang hitad, ayon na CT scan.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Eddie Garcia, malakas pa rin ang karisma sa fans!

    • Parang wala yatang boyfriend si Kris ngayon, pag meron man hindi matatago yan dahil sa kadaldalan ng bibig ni Kris at hot topic si kris kaya hindi yan makaeskapo sa mga reporter kung may hidden boyfriend ang babaeng yan, lalabas yan kaagad ora mismo……..

  1. Baka rin si Ai Ai dahil yong boyfriend nya ngayon ay mas bata pa sa kanya. Hahahahahaha, nakakatawa ang blind item…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.