Eddie Garcia, ‘di na nirerespeto ng ilang press?!

BLIND ITEM: IF during their happier times ay head over heels ang aktor sa isang morenang aktres, hindi lang nagbago ang kanyang feelings para rito kundi animo’y diring-diri pa siya ngayon sa marungis na hitsura ng dating nobya.

Duda ng kampo ng aktor, may pinag-uugatan ang “hygiene problem” ng aktres na dati naman daw ay malayo sa kanyang aura ngayon. Siyempre, ang unang naglaro sa isip ng aktor ay baka nga true ang tsika that his ex-flame is doing drugs.  Patanong  ‘yon na kinumpirma ng isang mapagkakatiwalaang source close to the actor’s family.

Ows, into drugs ang aktres na ‘yon, paano nangyari ‘yon? Did she learn it on her own? O, baka naimpluwensiyahan lang ng isang kontrobersiyal na lalaking nauugnay sa kanya who’s a self-confessed ex-druggie?

 

PASINTABI MUNA SA isang kaibigan mula sa press, but we were among those stunned by his straightforward question directed to Eddie Garcia at a recent presscon. Naganap ang event na ito to promote Vice Ganda’s second full-length movie, a follow-up to his Petrang Kabayo, ang Praybeyt Benjamin.

Bagama’t ang nagtanong during the open forum merely quoted another colleague’s magazine article on Tito Eddie, the query dwelt on the actor’s fearless admission na noong bata pa raw siya ay dumaan din siya sa beki. Clad in a formal suit as always, marespeto’t nakatutuwang sinagot ‘yon ng beteranong aktor-direktor.

“Yeah, I was 15 then,” pag-amin niya. Although he did not elaborate, binigyang-katuwiran ni Tito Eddie na normal lang daw sa buhay ng tao ang dumaan sa anumang karanasan, gay or no gay experience.

Ayaw naming magpaka-prude o magpakaipokrito, but the question would have sounded cute and appropriate kung hindi isang Eddie Garcia ang tinatanong, regardless if it was a reference to some published material which, for sure, no one remembers to this day. Nowhere in Tito Eddie’s career was he ever labelled as a sex symbol.

Ikalawa, Praybeyt Benjamin – sa pamagat pa lang – is a comedy film, not even a sex-comedy treat na nagawa na rin noon ni Tito Eddie via Mga Paru-Parong Buking (of the four lead stars, sila na lang ni Bernardo Bernardo  ang buhay; the two others being Eddie Rodriguez and George Estregan had long before crossed the Great Divide).

Conversely, parang tinanong na rin ang isang beteranang aktres if at any point in her life – whether there had been a previous confession – kung nilenggua rin ba siya nang bonggang-bongga ng isang tunggril.

Hindi ko kineri ang presscon na ‘yon, I took a French leave before any further act of disrespect towards an institution might cause ABS-CBN’s Dolphy Theatre to collapse.

 

SA EPISODE NGAYONG Miyerkules ng Face To Face, humingi ng paumanhin si Ladlad Party List Chairperson Bemz Benedito sa mga manonood dahil sa ilang kahihiyang ginagawa ng kanyang mga kabaro, kabilang na si Pambing na panauhin ng programa. Lumitaw rin kasi sa talakayang Mga Beking Dancer Todo Sa Kembot, Pero Sa Manager Taas-kilay Dahil Nangungurakot! na inonse ni Pambing ang mga beking miyembro ng kanyang pinamamahalaang dance group.

Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang Habang Kalambutsingan Si Kerida, Anak Ng Kinakasama Niya’y Isinako Pa! Inireklamo naman ni Geena ang kanyang live-in partner na si Danilo, na makipagtalik lang sa kulasisi nito ay isinilid sa sako ang mga paslit na anak ni Geena upang wa ma-sight ng mga bagets.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

4 thoughts on “Eddie Garcia, ‘di na nirerespeto ng ilang press?!

  1. tama naman ang writer na eto,kong ikaw ang anak tapos ask mo tatay mo na walang kakurap kurap kong nag pa tsupa na siya sa beki,respeto lang naman..last summer end ng may while im vacation sa pinas saw eddie garcia at resort world in his suit,i just look at him kasi napaka desente smiling to everyone…ang ibang entertainment writer kasi sa atin mga suka writer na mag fans na dating mga GAKA sa mga party at presscon at now eto ..writer,kaya walang manners!

  2. For the 1st time, i’m inclined to agree with this writer. Why the need to ask those kind of questions? Konting respeto naman sana. Ang tanda na ni Eddie Garcia para tanungin ng ganun. Wala na bang maitanong na matino? Hindi porke bakla ang bida, tungkol sa kabaklaan na ang kailangan itanong.

  3. Sino itong blind item, baka ang morenang aktres si Lovi Poe at ang ex si Revilla at ang karelasyon ngayon si Jake Cuenca?

  4. over naman ang baklang to mag react porket inamin lang ni eddie garcia ang nakaraan nya nawala na ang respeto sos panget na bakla di un basehan ano kahit ano pa ang sabihin mo wala pa ding katulad si Manoy ano…pak para sayo ronnie na ugly na busasa pa tsseeeeeeeeeeee ka talaga wala ka lang narating kaya abot langit ang inggit mo sa kay mr. Eddie Garcia…

Leave a Reply

Your email address will not be published.