Economic Surveyor ng US Embassy, Tutulong sa pagpapalakas ng SMEs sa Bulacan

MALOLOS CITY – MAINIT ang naging pagtanggap ng Bulacan Tourism at ng Pamahalaang Panlalawigan, at ng Malolos City Tourism Council, sa economic surveyor na ipinadala ng US Embassy kahapon sa nabanggit na probinsiya.

Ganap na alas-8:00 ng umaga nang dumating sa siyudad ang US diplomat, kasama ang ilang mga Pilipino counterpart ng embahada ng United States of America.

Personal na sinalubong ni City Mayor Christian Natividad at Maria Emma Gonda ng Tourism si Ms. Natasha Grokh na isang economic officer sa US.

Layon ng pagbisita ni Ms. Grokh, na makita kung papaano nakaka-survive ang maliliit na negosyante, o small and medium enterprises (SMEs) sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Aniya, nais malaman ng embahada ang mga pamamaraan na ginagawa ng mga Pilipino kung papaano nila paunlarin ang isang maliit na negosyo sa Pilipinas. Partikular na tinukoy ni Ms. Grokh ang Malolos City sa Bulacan.

Nais din ng embahada, na maging bahagi ang US sa pagpapalago ng negosyo sa Bulacan, kung saan naka-handa umano itong tumulong sa ibang aspeto ng pamamaraan. Agad namang pinasalamatan ni Mayor Natividad ang ginawang pagbisita ng mahusay na economic surveyor sa bansa.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.