Ecological engineering, itinuro sa mga kababaihang magsasaka sa IRRI

KAPARAANAN UPANG ‘di gaanong gumamit ng pestisidyo o herbisidyo sa pagtatanim ng palay pero aani pa rin ng sagana ang itinuro kamakailan sa mga kababaihang magsasaka sa International Rice Research Institute (IRRI).

Tinaguriang ecological engineering, ang proseso ay ang pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman sa pagitan ng mga taniman ng palay o pilapil sa karaniwang katawagan.

Ayon sa mga dalubhasang siyentista ng institusyon, ang lohika nito ay pinupuntahan ng mga kulisap at insekto ang palay ‘di lang upang kainin basta kundi dahil sa nectar ng mga bulaklak nito, kaya kung may

maitatanim na bulakla-king halaman sa mga pilapil at maida-divert ang atensyon ng kulisap at sa halip na ma-ging kaaway sila ay magiging kaibigan pa ng magsasaka.

Ang paraang ito ay naging matagumpay na sa bansang Vietnam at bukod sa palay ay napapakinabangan din ng mga Vietnamese ang mga bulaklak ng kanilang itinanim sa pilapil, habang sa bansa ngayon ay may ilan na ring nakasubok nito at nagtagumpay.

Ang aktibidad ng IRRI ay tungkol sa Women in Rice Farming at naging bisita nga nila ang mga Kababaihang may mahalagang kaugnayan sa palay gaya ni Department of Agriculture Under Secretary Bernadette Romulo-Pu-yat, Dr. Emerlinda R. Roman na Chairman ng Board of Trustee ng IRRI, Ana Liza Ragos ng Philippine Commission on Women at si Laguna 3rd District Board Member Angelica Jones.

(MJ BALAGUER)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.