Echo and Tin, too close?

KRISTINE HERMOSA AND Jericho Rosales reunite in their much-awaited teleserye Dahil May Isang Ikaw. Marami ang nagtatanong kung posible pa bang magkabalikan ang dalawa. Echo was asked the same question during the presscon for his 12th anniversary in showbiz. Sinabi niyang ang hirap naman daw ng tanong. Nakikita raw niyang masaya si Tin-Tin and he thinks Oyo Sotto is a great guy.

Nagbigay din ng kanyang reaksyon si Tin-Tin sa naging pahayag ni Echo during the pictorial of their teleserye. Minsan ay nakikitang nangungulit si Echo sa likod ni Tin-Tin while she was being interviewed. “Comfortable lang talaga ako kay Echo. Siguro iyong pagiging comfortable namin with each other ay hindi pa naman nawawala kaya ganoon. Hindi ako naiilang sa kanya.”

Parehong nali-link ngayon sa iba sina Echo at Tin-Tin. Pero kahit na matagal na silang hiwalay ay may mga umaasa pa rin na sila ay muling magkakabalikan. Undoubtedly, their loveteam still has a great following. I think there are tandems made for movies. May mga tandem na patok kahit na wala silang relasyon sa totoong buhay pero nananatili pa rin ang kilig.

JUDY ANN SANTOS and Ryan Agoncillo recently arrived from their honeymoon in Boracay. They were seen together at the birthday party of ABS-CBN Channel Head Ms. Cory Vidanes. Tinanong ang dalawa kung kamusta na sila after their grand wedding. Juday said, “Wala naman pagbabago. Masaya! Apelyido ko bago na at saka masaya kasi finally nadagdag ako sa pamilya nila at nadagdag si Ryan sa pamilya namin. Sa simula naman ay okay ang mga families namin sa isa’t isa.”

Juday and Ryan are hoping to have a baby soon.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleNo regular work for Direk Wenn at ABSCBN?
Next articleKarylle, ready to date

No posts to display