Echiverri, walang ginagawa Caloocan, Sentro Ng Iligalista

MULING SUMIGLA ANG operasyon ng Jueteng, iba’t ibang uri ng sugal at iba pang uri ng illegal vices sa Caloocan City na diumano ay may bendisyon ng alkalde at hepe ng kapulisan ng lungsod.

Ang Caloocan City ay sinasabi u-manong isang makasalanang lungsod dahil lubhang laganap ang kriminalidad, tulad ng patayan, holdapan at ‘di masolusyunang kahirapan.

Naglipana ang mga bahay-aliwan na prente ng prostitustion, mga beerhouse na nagpapalabas ng bold shows at torohan, na hanggang sa ngayon ay hindi masolusyunan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri.

Makikita sa harapan ng Gotesco Grand Central sa monumento at sa kahabaan ng 2nd, 3rd at 4th Avenue ang mga nagkalat na babaeng nagbebenta ng panandaliang-aliw na nagiging dahilan para kumalat ang sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Bukod dito, laganap din ang Jueteng at iba’t ibang uri ng sugal na hindi man lamang umano binibigyan ng kaukulang aksyon ni Echiverri kaya umano lalong lumalala ang kriminalidad.

Base sa asset ng Pinoy Parazzi, isang kaanak umano ni Echiverri na isang “Marck” at isang mataas na opisyal ng Caloocan City Hall na isang “Ramirez” ang siya umanong kapita-lista ng Jueteng sa buong district 1 at 2 ng nasabing lungsod.

Ayon sa isang kura-paroko, nanlulumo sila na makita na ang inakala nilang pagsanib ni Echiverri kay P-Noy para sa matuwid na daan ang maglilinis ng Caloocan, subalit tila yata ang nagaganap ay ang kabaligtaran.

Sinabi naman ng mga residente, kung walang gagawing aksiyon si Echiverri sa patuloy na operasyon ng Jueteng at iba pang illegal vices sa kanilang lugar, malamang na hindi manalo ang kanyang anak na tatakbong alkalde sa susunod na eleksiyon sa 2013.  (ROMAN MAGPOC)

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Echiverri, walang ginagawa Caloocan, Sentro Ng Iligalista

  1. madami na pong nagawa si mayor echiveri sa caloocan …. andyan na po yung napakagandang mga parol tuwing pasko na mukha nya ang nakalagay … di ba very artistic class ang dating talo nya pa si santa clause kulang na lang pati yung star sa taas ng mga xmas tree sa caloocan papalitan nya ng picture nya ………

Leave a Reply

Your email address will not be published.