ECHIVERRI DAPAT ISAMPOL AT ‘YANG “RH BILL”

HABANG BINABASA NATIN ang istorya hinggil sa Resolution na ipinalabas kamakailan lang ng Commission on Elections o Comelec laban kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ay marami ta-yong naaalalang istorya.

Ito ay ang tungkol sa mahabang panahon ng paghahari ng mga Asistio d’yan mismo sa Caloocan City.

Isa pa ay ang paghahari sa Pilipinas sa napakatagal na panahon ng mga Marcos.

Kasaysayan ang humusga sa kanila, parekoy, dahil sa diumano ay paglamukos sa kanilang palad sa ating mga batas kaya dumating sa kanila ang “karma” ng pulitika.

Kaya naman, parekoy, sila na dapat ang magsilbing “eye opener” dito kay Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Na hindi komo nasa katungkulan ka ay maaari mo nang gawin ang lahat ng bagay lalo na yaong mga ipinagbabawal ng batas.

Ayon kasi sa nasabing Comelec Resolution, napatunayan si Mayor Recom ng paglabag noong Mayo 2007 elections sa Omnibus Election Code partikular na ang sukat ng “poster” at ang lugar kung saan lamang itinatadhana ng batas na makapag-lagay.

Maliban d’yan, parekoy, ang anak ni Recom na si Brgy. Chairman Ricojudge Echiverri ay inakusahan din ng paglabag sa mga batas ng election kaugnay naman sa ginanap na election ng pederasyon ng mga chairperson ng Caloocan City.

Ayon naman sa reklamo, ang batang Echiverri ay nakipagsabwatan sa DILG at Comelec ng officers ng Caloocan upang madala sa kanilang beach resort sa Batangas ang mga chairperson ilang araw bago ginanap ang nasabing halalan.

Tsk, tsk, tsk. Sana naman mayor, magising kayo hangga’t maaga!

Kung ang lahat nga ng kabutihan dito sa mundo ay may katapusan, ang kagaguhan pa kaya?

DAHIL LAMANG SA posibleng pagsasabatas ng Responsible Parenthood Bill kaya mistulang batang naglupasay ang Simbahang Katoliko.

Kapag itinuloy raw talaga ang pagsasabatas nito ay sila raw mismo ang mangunguna sa “civil disobedience”, sukdulang makulong silang lahat.

Tsk, tsk, tsk… mukhang takutan na ang labanan ngayon, parekoy.

‘Ika nga “power-play” . . . huh, wala na namang pinag-iba sa panahon ng mga demonyong prayle!

Kaya nga ba gusto nila na bahala nang walang makain, maisuot na damit at walang matirhan… basta dumami lang nang husto ang populasyon sa ating bansa.

Dahil kung dumami nga naman ang mangmang na tao sa ating bansa, kayang-kaya na nilang utuin o pisilin ang ilong!

Bakit? Kasi naman, kung may pinag-aralan ang tao ay hindi susundin ang sinasabi nilang “civil disobedience”.

Dahil ang ibig sabihin ng civil disobedience ay huwag sundin ang patakaran… meaning, sumalungat sa batas.

Sa isang malalim na paliwanag ng sumalungat sa batas ay mag-rebelde!

Oh, nakita na ninyo, parekoy… hihikayatin tayo ng simbahan na mag-rebelde!!!

Alalahanin natin, parekoy, si Satanas ay dating anghel ng Diyos… bago pa ito nanghikayat ng iba pang anghel para mag-rebelde sa Diyos!!! Yakkkkkkkks!

INAANYAYAHAN KO PO KAYONG makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com.

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.