Ebidensya sa Harassment Case Vs James Yap, Ilalabas

DESIDIDO ANG kampo ni Kris Aquino na hilingin sa korte na gawing permanente ang pinagbigyang temporary protection order (TPO) ng TV host/actress laban sa PBA star at dating asawa na si James Yap.

Ito’y sa kabila ng pagtanggi ng basketbolista sa mga akusasyon ng presidential sister na umano’y may pagkakataong hinarass siya nito sa harap mismo ng kanilang anak na si Bimby.

Pinaghahandaan na ng ng kampo ni Kris ang itinakdang hearing ng korte sa April 8 kung saan mismong ang aktres ang tatayong witness laban sa dating mister.

Tiniyak ng abogado ni Kris na makakapagprisinta sila ng mga ebidensiya na makapagpapatunay na pinuwersa ni Yap si Aquino, dahilan upang maapektuhan din ang kanilang anak na si Bimby.

“We will be presenting evidence, and we will also be given the opportunity to present this evidence, and for the court to decide whether or not to make the TPO permanent,” ani Atty. Francisco Chavez.

Samantala, kinatigan pa lamang ng korte ang protection order ni Aquino laban kay Yap sa loob ng 30 araw.

Sa panig naman ni Yap, ipaglalaban nito ang kanyang karapatan bilang ama ni Bimby.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.