Ebidensiya, lumabas na!
Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, kumpirmadong magkasama sa hong kong!

AMINADO ANGmagaling na aktres na si Jodi Sta. Maria na ‘someone special’ ang turing niya kay Jolo Revilla. Ayon sa mga ulat, may isang taon na ring nagde-date ang dalawa, pero walang pag-amin sa mga ito sa kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

Mainit ngayon sa mata ng publiko si Jodi dahil na rin sa pagtutok ng sambayanan sa nananatiling top-rating series nitong Be Careful With My Heart. Aliw ang manonood sa karakter ng aktres na si Maya, at napamahal na rin siya sa mga ito. Kaya naman hindi maiiwasang maging sentro ng usapan sa loob at labas ng showbiz si Jodi, at interesado ang madlang pipol, kundi man sa pribadong buhay nito, eh kahit sa buhay pag-ibig man lang.

Kasi naman, sa simula pa’y hindi naging bukas na aklat ang pribadong buhay ni Jodi. Bukod sa alam na natin, na may anak siyang si Thirdy mula sa nakahiwalayang asawang si Pampi Lacson, wala na tayong iba pang alam sa sumunod na kabanata ng kanyang buhay pag-ibig. Sabi nga, nanatiling misteryosa ang isang Jodi Sta. Maria.

Hindi rin kasi mapagpatol sa mga intriga at isyu si Jodi, kahit na kung anu-anong alegasyon pa ang pinakawalan ng isang starlet na nauugnay ngayon sa kanyang dating asawa.

Nito ngang kamakailan, naglabasan ang isyu ng pagpunta umano nina Jodi at Jolo sa Hong Kong. Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Jodi sa Star Magic Ball noong September 1.

Ayon sa mga nalathalang interbyu kay Jodi, inamin nitong nasa Hong Kong nga siya noong mga panahong iyon at kasama niya ang kanyang anak. Hindi naman kinumpirma o itinanggi ng magaling na aktres ang isyung kasama niya ni Jolo. May mga ulat pang kasama rin umano ni Jolo ang anak nito, at nagpunta sila sa Hong Kong Disneyland.

Pero sa nahagilap naming mga litrato, kumpirmadong magkasama nga sina Jodi at Jolo sa Hong Kong. Ayon sa nakarating na impormasyon sa amin, kasama nga rin nina Jodi at Jolo ang kani-kaniyang anak.

Sa dalawang litrato, bagama’t magkahiwalay ang kuha nina Jodi at Jolo, hindi maitatangging nasa iisang lugar lang sila. Sabi sa amin, kuha ang litrato sa entrance gate ng Hong Kong Disneyland, kung saan isang grupo mula sa isang kumpanya na binigyan ng Hong Kong tour incentive ang nagpakuha ng litrato sa dalawa. Kaya’t ‘di kataka-taka na magkakaparehas ng damit at nakasabit na ID ang mga nagpakuha ng litrato. Mapapansin pa na ang payong na gamit ni Jolo ay may tatak na ‘Disnyeland Hotel’ katulad ng payong na nakasukbit sa kanang braso ni Jodi, kung saan makikita pa sa gawing likuran niya ang Hong Kong Disneyland. Dagdag pang detalye sa amin na kuha ang mga litrato noong September 1.

Kaya nga man aminin man o hindi, malinaw pa sa sikat ng araw na magkasama sila ni Jolo sa Hong Kong nang mga panahong iyon. Dahil ‘eto na nga ang ebidensiya, lumabas na!

 

NAGKAROON KAMI ng pagkakataon na panoorin ang first 20-minutes ng upcoming horror movie na Tiktik: The Aswang Chronicles ni Direk Erik Matti sa viewing room ng PostManila sa Makati.

Nakamamangha ang pagkakagawa ng pelikula na siyento porsiyentong kinunan sa kroma sa isang warehouse sa FTI Taguig na ginawang studio, at nilapatan ng computer-generated images (CGIs) ng kumpanyang Mothership. Kakaiba ang pagkakalikha sa mga aswang at sa backdrop ng buong pelikula na talaga namang maihahalintulad sa Hollywood-made movies.

Ipinagmamalaki naman ni Direk Erik na higit sa special visual effects ng CGIs ang matutunghayan sa pelikula, dahil buo at maganda rin umano ang pagkakalatag ng istorya nito. At bagama’t dumaan sa advance at very technical post-production, very local ang flavor ng pelikula na nakaugat sa malalim na kultura at tradisyon ng mga Pinoy patungkol sa mga aswang. Sa katunayan, patikim pa lang ang Tiktik, dahil may dalawa pang pelikula na bubuo sa The Aswang Chronicles, with the same casting na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Lovi Poe, Janice de Belen, Joey Marquez, at iba pa.

Ang Tiktik: The Aswang Chronicles na mula sa pinagsanib na produksyon ng Reality Entertainment, Agostodos Pictures, GMA Films, PostManila at Mothership ay nakatakdang magbukas sa mga sinehan sa Oktubre 17.

 

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

13 thoughts on “ Ebidensiya, lumabas na!
Jodi Sta Maria at Jolo Revilla, kumpirmadong magkasama sa hong kong!

  1. dapat ang pamagat ng serye ni  jodie ay please be careful with my puday! kasi siguradong maga iyan sa kakachurva ni jolo. laswa mo ineng! babagsak na rating ng plabas nya, dapat kasi kay papa chen sya nagpachurva!!! 

  2. Nakipag-tsuksakan si Jodi ng bonggang bongga Kay jolo….maga ang puday ni Jodi tiyak sa hilig ni jolo…

  3. Nasan dyan ang picture na kuhang magkasama sina Jodi at Jolo? Eh pinagtabi lang yung cropped pics ng dalawa eh. Ayos. Aw!

  4. Naku naman,,,Naman naman naman Jolo Revilla mana ka talaga sa tatay mong si Bong na Mahilig sa Segunda Mano,,Daming Dalaga jan… Ba’t di mo ligawan si Marian Rivera taga Cavite rin yan. Dalana yan. ang pagka alam ko ha.

    • MARIAN RIVERA? HHaaha….patawa kka bbah…????
      D hhamak nna mmas mmabuting babae ssi jjodi..
      Si mmarian kkatulad llng yyan nni iiwa..

      • Ha ha ha ha ha ha ha,,,Naku naman,,,Naman naman naman Jolo Revilla mana ka talaga sa tatay mong si Bong na Mahilig sa Segunda Mano,,Daming Dalaga jan… Ba’t di mo ligawan si Marian Rivera taga Cavite rin yan. Dalana yan. ang pagka alam ko ha.

      • josko si marian na bobo,si jodi nag aaral mag doktor,wag mo nga ikumpara si marian pokpok na me anak na na atay ng bobo at atay ng sama ng ugali,si jodi mabait matalino at disente ang layo nya ke marian pok pok

        • oo nga daw. matalinong pokpok ba si jodie! sabi nga ni carmi martin, mayaman o mahirap na pokpok! pokpok pa din! please be careful with my puday! endotan to the max!

          • kawawa ka putang ina mo dahil natalbugan ng ratings ang mga show mo sa kabila.  Hoy hindi bababa ang ratings ng Be Carefule With My Heart dahil lahat ng actors sa teleserye na yan ay magaling at mahusay sa kanilang craft.  No amount of damage control can put that show down dahil sa estorya na lang, nakakakilig na.  O ano naman ang kinasasakit ng dibdib mo kung si Jodie at Jolo na nga, si Pampi may ajinoMOTO na rin.  Ang dapat mong pansinan ng panahon ay ang magtrabaho ka para hindi ka na magbabad dun sa internet cafe at makabili ka naman ng sarili mong computer teh……..  mga walang modo yong mga comment mo, makita mo talaga na wala kang pinag-aralan, bastos yong choices of words mo ,  huwag kang ganyan dahil baka sabihin lahat tayong pinoy ay mga bastos kagaya mo.  Magdasal ka na lang kaya para naman maging maligaya ka sa buhay mo.  Klaro kasing malungkot kang tao dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig mo.  Huwag mong ipahalata pare na ikaw ay isang loser.

          • PUTANG INA MO…is a loser yellow baby! tama k felix bakat…heheheh…wah cla pkelam kung me JOLOGs man c JODI eh me sawsawera n nmn c PAMPILOKson na isang PAMPALASA NG DILA nc AJI-NO-MOTTO!!! n pinadadalirot ang knyang AK-IWA-MOTO? S bgets ni Jodi n c 3rd finger oo1oo

  5. Naku tigilan na nga ang mga ganyang balita wala naman magagawa yan sa ekonomiya ng bansa. Kung nagpunta sa Hongkong di nagpunta at kung sila na di sila na. Naku naman iba na lang kay ang bigyan ng pansin at di yang mga ganyang klase ng love lafy.Peace think of sensible issuues yung mga nakakakilig at di yung mga nakakalito asawa ni ganito may anak nag kadate !! Waaaah wala bang iba.

    • mabuti pa ikaw nlng muna mgkwento about ur kakakilig moments mo with ur papi….tutal sweet k nmn eh para maiba nmn heheheh