EB Babe Yosh, tinulungan pa ng misis ni Wally Bayola

Wally-Bayola-EB-Babe-YoshAS A breather from all this nakauumay feeling that the Navarro-Cornejo-Lee-Cabanero case has brought upon us, here’s a story of redemption kahit malayo pa ang Semana Santa.

Ang  aming tinutukoy ay ang buong-tapang na pagsasalita—finally—ni Wally Bayola makaraang masangkot sa isang sex video scandal that threatened to destroy his career, and yes, his family even.

Tatlong bahagi ng kuwento ni Wally ang inihatid ng Startalk last Sunday, the third and last being a “third person” account on the subject. ‘Yun ay walang iba kundi ang kanyang butihing maybahay na si Rhiza.

Beyond her good looks ay isang malaking rebelasyon para sa amin ang mapagpatawad na puso ni Rhiza who knew of her husband’s infidelity even before the latter got involved in the sex video scandal.

Like any wife whose partner is philandering, kinumpronta man ni Rhiza si Yosh—ang EB Babe na nakaniig ni Wally—ay hindi niya ito inaway, much less iniskandalo. Sinabihan lang daw niya ito to stay away from her husband dahil pamilyado na ito.

As though this may seem enough, if not unlikely para sa isang pinagtaksilang asawa, hear this out.

Around September last year nang pumutok at kumalat ang sex video nina Wally at Yosh. And in less than 24 hours after it was uploaded ay para itong isang nagngangalit na apoy na dumila sa buong kabahayan at nandamay pa ng iba.

Next thing, sa hiya ni Wally ay hindi na siya napanood sa Eat Bulaga—either he voluntarily took an indefinite leave of absence or he was forced to take such.

What made matters even worse, ‘yun ang panahong dinapuan ng maselang sakit (leukemia) ang kanyang disisiyete anyos na anak na babae. Naroong isang kalabit lang niya ng gatilyo sa kanyang hawak-hawak nang baril would make him say goodbye to a cruel world he himself created.

Sa tulong at suporta na rin ng pamilya at mga kaibigan, Wally was able to regain his sanity. At ‘yon ay sa pamamagitan ng pagsasailalim sa counselling.

Tulad niya, na-traumatize din si Yosh, if not more than Wally dahil babae siya. She, too, underwent counselling.

Pero alam n’yo ba kung sino ang nasa likod ng pagtulong na ‘yon kay Yosh para harapin nang buong tapang ang pinagdaraanang pagsubok?

Si Mrs. Rhiza Bayola lang naman, ang babaeng kanyang nasaktan at ang pamilya’t mga kaibigan nitong apektado sa iskandalong kinasangkutan ng kanyang mister.

Tanga na siguro sa dilang tangang matatawag si Rhiza, maaaring lumabis naman ang kanyang kamartiran sa piling ni Wally, but she is just that.

Angkop nga ang pamagat sa feature story na ‘yon ng Startalk: The Good Wife.

 

A DIFFERENT gimmick awaits the loyal viewers of Ryan Agoncillo’s Picture! Picture! and Eugene Domingo’s Celebrity Bluff this Saturday, March 8.

Magkakaroon kasi ng crossover ang mga respective hosts ng mga 100 % Pinoy game show na ito.

Makikigulo si Uge sa ilang bahagi ng Picture! Picture! with celebrity contestants Wally Bayola (as Lolo), Gladys Guevarra (as Chuchay), Boobay and Brod Pete; samantalang tatayo bilang isa sa mga Gangnamnam members si Ryan sa Celebrity Bluff.

Mas inaabangan ng mga viewers ang pagbabalik ng sigla ni Wally lalo’t he was welcomed back by a forgiving public sanhi ng kanyang kinasangkutang sex scandal. It seems kasi that he hasn’t forgiven himself para tuluy-tuloy na ang kanyang stage of moving forward.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

5 thoughts on “EB Babe Yosh, tinulungan pa ng misis ni Wally Bayola

Leave a Reply

Your email address will not be published.