Eaula Valdez, ‘di na nagpapaapekto sa mga intriga

EULA VALDES is back on the small screen with her new ABS-CBN drama series Mundo Man ay Magunaw. Makakasama niya sa series sina Ms. Tessie Tomas, Empress Schuck, Nikki Gil, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Allan Paule, at Alex Castro.

Bilang Olivia La Peña sa Mundo Man ay Magunaw, gaganap si Eula ng isang karakter na malapit sa kwento ng kanyang buhay. Mapaghamon daw ang kanyang papel at ang pinaghuhugutan niya ng emosyon ay ang kanyang mga anak. Sabi nga niya sa teaser ng teleserye, “Igapos mo man ang puso ko. Sirain mo man ang pangalan ko. Durugin mo na ang pagkatao ko. Agawin mo nang lahat pero hindi ang pagiging ina ko.”

But in real life, Eula is definitely a hot mama! Hindi nabago ng panahon ang kanyang ganda at kaseksihan. She looked hot and sexy when she graced the cover of FHM Philippines’ July 2011 edition. Kaya naman hindi mo masisisi ang kanyang longtime boyfriend na si Rocky Salumbides na proud na proud kay Eula.

Pero ano itong kumalat na balita kamakailan na hiwalay na silang dalawa? Lalo pang tumindi ang mga espekulasyon nang makita diumano si Eula na may kasamang ibang lalaki.

Eula vehemently denied the issue that they have separated. “Baka naman pamangkin ko lang iyon. Si Tanny. Baka naman si Miguel, iyong anak ko. Alam mo 5’11 ½ ang anak ko. Gwaping kaya iyong anak ko,” paliwanag niya.

Wala raw problema ang relasyon nila ni Rocky. “Importante talaga ang communication. May traits siya na parang ako.” Hindi raw siya naaapektuhan ng intriga ngayon dahil bukod sa magandang relasyon nila ni Rocky ay maganda rin ang takbo ng kanyang career.

Matatandaang unang pumutok ang isyu tungkol sa kanilang dalawa noong 2009 when Rocky became a housemate in Pinoy Big Brother: Double Up. Rocky opened up to the other housemates about his relationship with Eula when he mentioned that his lady love is Amor Powers, ang sikat na character ni Eula sa Pangako Sa ‘Yo. Rocky also said that he left his modeling opportunities abroad just to be with his girlfriend. Inamin ni Eula ang kanilang relasyon sa publiko and she went inside the house to fetch Rocky nang lumabas ito sa bahay ni Kuya. 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Eaula Valdez, ‘di na nagpapaapekto sa mga intriga

  1. kailangan pa ba yang intrigahin? ano pa bang maiintriga kay eula eh matanda na yan. give way sa mga mas fresh at mas bata para sumikat!

Leave a Reply

Your email address will not be published.