Eat Bulaga, ‘di lilipat sa Singko! By Gorgy’s Park

KASISIKAT PA LANG noon ni Manny Pacquiao sa boxing, gusto na pala ni Jinkee Pacquiao na magpa-treat sa Belo Medical Group. Hindi lang natutuloy dahil walang pagkakataong maipakilala siya kina Dra. Victoria Belo.

Pero ngayong sikat na sikat na ang ating Pambansang Kamao, si Jinkee na ang nilapitan ng Belo Medical Group para kuning endorser nila.

Nasa Amerika pa noon si Manny para mag-ensayo sa laban niya ky Ricky Hatton, nagpa-liposuction na si Jinkee sa Belo at nagtagumpay naman dahil payat ito at lalong sumeksi pagdating niya ng Amerika.

Pagbalik niya dito ay sinundan ng bagong non-surgical treatment sa Belo na Belo Diet Injections kaya tumuluy-tuloy ang pagpayat nito at pag-sexy.

Ngayon, si Manny na ang nagsasabing mas seloso raw siya kesa sa asawa niya. Inamin naman ni Manny na halata kung nagseselos siya dahil galit daw talaga ito.

Si Jinkee naman kampante na raw ngayon at kahit may naririnig siyang intriga sa asawa niya, mahinahon na raw niya itong tinatanong.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan si Manny ng mga tukso dahil marami pa rin daw mga babaeng umaaligid pero ang sey na lang ni Jinkee sa kanila, “Good luck na lang sa inyo!”

Magaling na raw siya ngayon umamoy kung may bagong kinalolokohan ang asawa niya dahil talo pa raw niya ang mga detective para malaman lang na nagloloko ito. Pero ngayon ay wala raw silang problema at nagmamahalan sila ng asawa niya, kaya kahit ano pang naglalabasang intriga, hindi na raw sila nagpapaapekto.

MAY NAKARATING NA isyu sa amin na lilipat na raw ng TV5 ang Eat Bulaga dahil sa may sama raw ng loob si Vic Sotto at ang mga taga-TAPE sa GMA-7 dahil hindi na raw ni-renew ang kontrata nila sa Fulhaus.

Kaagad na kinumpirma ko ito kay Malou Choa-Fagar at pinabulaanan niya ito.

Hindi raw totoo ang nasagap naming balita although may bahid ng katotohanan na nalungkot sila dahil sa hindi na itinuloy ng GMA-7 ang Fulhaus.

Hindi lang daw alam kung ano ang saloobin ni Bossing Vic sa pagkansela ng Fulhaus, pero lahat daw sila sa M-Zet ay nanghinayang dahil maganda naman daw ang rating. Pero wala raw itong konek sa isyu ng Eat Bulaga.

Sa katunayan, nakatakda na raw silang pumirma para sa renewal ng kontrata sa GMA-7. Kaya wala raw silang problema sa Kapuso network at tuloy pa rin ang Eat Bulaga na malapit nang mag-celebrate ng 30th anniversary.

By Gorgy’s Park

loading...

4 thoughts on “Eat Bulaga, ‘di lilipat sa Singko! By Gorgy’s Park

  1. hehe oo gusto ko fulhauz pero kapag nakita ko na si pia ayaw ko na. siguro palitan ni bossing ang leading lady nya. or 143 na lang ulit ganda pa yun di ba? wala sya asawa duon.

  2. ang kinasa2ma cguro ng loob ni bossing is
    mwa2lan ng pagka2kitaan ang mga
    staff…crew at ibang artista ng sitcom nya
    alam nyo nmn c vic…maawain

  3. I heard one season lang naman ang sitcom nina Marian at Manny, hanggang November 2009 ang itatakbo ni2. By that time puyde nang iretain ang time slot ni Bosing Vic…

  4. kailangan rin naman magpahinga ng FULHaus para di magsawa ang mga viewers at matagal na rin ito sa ere diba? saka na sila bumalik pag nagtapos na ang show me da manny!

Leave a Reply

Your email address will not be published.