Eastern Samar, Niyanig ng Magnitude 5.5 na Lindol

NIYANIG NG magnitude 5.5 na lindol kahapon ng alas-8:43 ng umaga ang silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar sa layong 138 kilometro.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may lalim na 20 kilometro ang nasabing lindol.

Habang tectonic in origin naman ang dahilan ng nnaturang pagyanig.

Maliban dito, naitala rin ng Phivolcs ang Intensity 5 sa Mercedes, Eastern Samar; Intensity 4 sa Tacloban City, Borongan City, General MacArthur, Eastern Samar; Intensity 3 sa Catbalogan City; Jaro; Dulag; Tolosa, Leyte; habang Intenisty 2 naman sa Capoocan; Dagami, Leyte.

Una rito, naitala rin ng Phivolcs ang magnitude 4.1 na lindol sa kanluran ng Calatagan, Batangas kahapon ng alas-7:01 ng umaga sa layong 16 na kilometro.

Wala namang naiulat na pinsala sa nasabing mga pagyanig.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.