Earthquake drill, isinagawa sa Navotas

 

NAGSAGAWA NG earthquake drill ang pamahalaan local ng Navotas City na ginanap sa city hall ng lungsod bilang paghahanda kapag may lindol na pinangunahan ng Bureau of Fire Prevention (BFP), Local Disaster and Risk Reduction Management Office (LDRRMO), at mga empleyado kamakailan.

Nakipag-koordina rin ang lahat ng departamento ng nasabing pamahalaan lungsod kabilang ang iba’t ibang tanggapan ng LGU’s para magsagawa ng kampanya kung ano ang dapat at ‘di dapat gawin kapag nasa sitwasyon na ng sakuna.

Ayon naman kay BFP-Navotas Deputy Fire Marshall Ian Manalo, napansin nito na ang fire exits ay ginagamit tuwing nagsasagawa ng earthquake drill.

Pinaalalahanan rin nito ang mga empleyado na umiwas sa mga puno at gusali na may mga salamin dahil maari silang mabagsakan o madaganan.

“Pathways should be clear especially during electrical system failure to give way to fire trucks”, ani LDRRMO Chief Paul Ross Bryan Felix.

Kasabay nito, nakatakda na ring magsagawa ng earthquake drill ang mga nabanggit na departamento sa Navotas Polytechnic College (NPC), na pangungunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, NPC President.

Sinabi naman ng alkalde na maging eksperto sa sitwasyon ng sakuna ang mga estudyante at lalo na ang mga miyembro ng faculty ng NPC, upang maiwasan ang anumang aksidente.

Maarin ring makipag-ugnayan ang mga residente sa 24/7 hotline number ng pamahalaang lokal sa 281-1111 para sa mga emergency.

(M.S)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.