Earthquake drill, gagawin sa Caloocan

 

BILANG PAGHAHANDA sa posibleng pagdating ng malakas na lindol ay nagsasagawa ngayon ng earthquake drill ang Rescue Unit ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) upang maturuan ang bawat residente ng mga tamang gagawin sakaling duma-ting ang ganitong trahedya sa ating bansa.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, bukod sa mga paaralan at iba pang gusali ay tinuturuan din ng mga tauhan ng rescue unit ang mga residente ng bawat barangay sa mga dapat gawin sakaling may maganap na malakas na lindol.

Sinabi pa ni Echiverri na nararapat lamang na mabigyan ng kaalaman ang mga residente kung ano ang mga dapat gawin sakaling may dumating na malakas na lindol sa ating bansa upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay.

Samantala, kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga opisyal ng barangay upang mabigyan

ang mga ito ng petsa kung kailan gaganapin ang earthquake drill sa kani-lang lugar.

Napag-alaman naman mula sa rescue unit na kinakailangan lamang ma-kipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang mga paa-ralan at iba pang business establishments na gustong magpa-schedule sa kanila sa gaganaping earthquake drill.

Kabilang sa mga itinuturo sa earthquake drill ay ang mga paraan kung paano makaliligtas sa malakas na lindol, mga gamit na dapat na ihanda bago pa man magkaroon ng lindol at iba pa na labis na makatutulong sa mga residente sa panahon ng trahedya.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Mayor Echiverri ang lahat ng school principals at administrators ng lahat ng paaralan sa buong lungsod na magsagawa ng earthquake drill sa kanilang mga paaralan upang maturuan ang mga estudiyante sa kanilang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.