Earth Month sa Navotas, Dinaan sa Bisikleta

SA PAGSELEBRA ng “Earth Month” sa buwang ito, sabay-sbay na pumadyak ang Navotas Funbikers patungong Bustos, Bulacan, kamakailan na isa ring pagpapakita at pagsuporta sa kapaligiran ng pamahalaan lungsod.

Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang pagpadyak patungong Bustos, Bulacan na nagsimula sa Navotas City hall kasama si Coun. Clint Geronimo at kinabibilangan ng Navotas Funbikers Association, City Environment and Natural Resources at City Agriculture.

Ito ay buwanang ginagawa ng pamahalaang lungsod na patuloy na sinusuportahan ng alkade bilang bahagi na rin sa pagsuporta sa iba’t ibang pag-iingat sa kapaligiran gaya ng ‘cleaning and greening’.

Pawang may mga suot na pin ang mga sumama sa funbikers bilang tanda ng pagiging makakalikasan na dapat ingatan para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon, kung saan ay nararanasan na sa ngayon ang climate change o pagbabago ng panahon.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.