Earlier jailed for beating his wife: Robin Padilla’s brother Royette was transferred to Angeles City Jail for homicide

PERSONAL NA PINUNTAHAN natin si Royette Padilla, ang nakatatandang kapatid ni Robin Padilla, sa Police Station 4, kung saan ay sinasabing naka-detain ito resulta nang ginawang pambubugbog sa asawa. Kumpirmadong sinaktan nga ni Royette ang babaeng pinakasalan na nagbunga ng maraming pasa sa katawan na siyang naging dahilan upang makulong ng kung ilang oras ang dating aktor sa nasabing police station.

Ang kasong physical injuries ay hindi ang kasong naghatid kay Royette sa Angeles City Jail, kundi ang dati nitong kasong homicide ang tunay na rason kung bakit natuluyan ang kuya ni Binoe.

Base sa salaysay ni Major Tan ng Station 4, nagsabi itong vailable ang kasong physical injuries na isinampa ng asawa ni Royette kaya lang nang buksan nila ang talaan ng mga naging kaso ni Royette, natuklasan nilang matagal na pala itong may warrant of arrest, kung saan ay inihain taong 2005 pa.

Hindi na nagbigay pa ng anumang impormasyon si Major Tan sa nasabing kaso dahil ang usapin ay nasa city jail na at sa mga sandaling ito du’n na nakakulong si Royette. Pero ang tiyak, mula nang maganap ang pambubugbog hanggang sa makulong si Royette, hindi pa rin sinisilip ni Binoe ang kanyang Kuya Royette.

 

TULOY PA RIN ang pagtatrabaho ni Andi Eigenmann kahit ito ay buntis. Ayon sa isang taga-Dos, work to death pa rin ang dalaga kaya lang ay bawal u-manong lapitan ng press.

“Kung si Andi ang tatanungin, gusto niyang magpa-interview, kaya lang parang sinabihan siya sa itaas na huwag munang magsasalita,” pahayag iyon ng isang taong malapit sa aktres.

Maayos naman daw ang kalagayan ni Andi, masigla naman ang aktres at pa-yapa raw ang kalooban nito ngayong alam na ng publiko ang kanyang kalagayan. “Manggang hilaw ang gustung-gusto niyang kainin. Wala naman siyang partikular na pinaglilihian basta kung ano lang ang gusto niyang food, ‘yun na ‘yun!”

Base sa balita, hindi raw si  Jake Ejercito ang tunay na ama kundi si Albie Casiño. “Posibleng si Albie kasi matagal nang walang communication sina Jake at Andi,” tahasang sabi ng aming kausap, na nagsabi pa ring mapapahiya lang daw ang family ni Albie kung sakaling pumayag si Andi na magpa-DNA test dahil lalabas at lalabas du’n na si Albie nga ang ama.

Samantala habang ang mga tao ay abala sa pag-iisip kung sino kina Jake at Albie ang ama, ang mag-inang Andi at Jaclyn Jose ay relax lang sa kanilang buhay at hindi na nila binibigyan pa ng panahon kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng aktres. Ang mahalaga ay magkasama silang mag-ina sa ganitong pagkakataon.

“Ako Morly, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong nakakaunawa sa amin,”  text iyon sa akin ni Jaclyn nang siya ay aming kumustahin.

Ayaw nang magbigay pa ng iba pang detalye si Jaclyn dahil ayon sa aktres, ang anak niyang si Andi ay may mabigat na pinagdaraanan at ayaw raw niya itong ma-stress.

“Mahal ko ang anak ko at handa ko siyang suportahan sa lahat ng gusto niya. Siyempre magagalit ako dahil ina ako, pero at the end of the day, mauunawaan ko pa rin siya.”

 

BLIND ITEM: SINO kaya sa mga alaga ni Joy Cancio ang siyobet ngayon ng isang businessman? Dahil wala nga raw masyadong pinagkakaabalahan ang grupo, kaya ang tatlo sa alaga ni Miss Cancio ay nagpaalaga na rin sa mga milyonaryo?

Hindi ganu’n kakumpirmado kung sino sa mga alaga ng Focus Entertainment ,basta ang nakarating sa amin, isa sa mga original SexBomb at dalawa sa baguhan ang may kakuyangyangang super-yaman.

Heto pa ang nakakaloka, si Joy pa raw ang naging tulay para makilala ng tatlong SexBomb ang kani-kaniyang papa. Sa  tatlong SexBomb, si dancer M daw ang pinaka-masuwerte dahil binigyan ito ng brand new car at nakatira raw ngayon sa mala-palasyong bahay?

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

21 thoughts on “Earlier jailed for beating his wife: Robin Padilla’s brother Royette was transferred to Angeles City Jail for homicide

  1. Tanga nmn kasi tlg!.. anong klaseng pagbabalita to kung mali-mali.. no wonder one of these days may mababalitaan taung namatay kuno un pl buhay pa…. and what makes it worse ay ibang pic n nmn ng artista ang nakalagay!.. sarap tampalin tong si morly alinio na to!. b

  2. mabuti nga. mga walang modo kc pamilya nila. mga may sapak sa utak. kita nyo ang bruskong baklang si bb walang ganda.

  3. 2005 PA ANG WARRANT OF ARREST FOR HOMICIDE PERO NGAYON LANG IDINETAIN? GAGALA GALA ANG CRIMINAL NA ITO PERO WALANG GINAWA ANG KAPULISAN? SIGURO NAMAN, HUWAG NANG KUNSINTIHIN NI ROBIN ANG GINAWA NANG KAPATID. HINDI BA LUMABAS PA ITO AT NAG SPEECH SPEECH PA TUNGKOL SA RELASYON NI ROBIN AT NANG EX NIYANG SI LIEZL DAHIL SA PINAGAAWAYANG LUPA NA DAPAT AY KAY LIEZL ? MARAMI SA ATING POSTERS NA OBSSESSED SA SPELLING AT GRAMMAR PERO PARANG DEDMA TAYO SA ISSUE NA MAY NAKABINBIN NA HOMICIDE CASE SA UNGGOY NA ITO. PADILLA BROTHERS. DAIG PA ANG MAFIA.

  4. see cecile..typo lang rin yan noh…at nakakaduling talaga kapag maraming ini-encode and porket nagkamali ng spelling balik na kagad sa grade 1ehh di pa nga alam ng grade 1 ang word na “bailable”..dog and cat pa lang dun nohhhhh

  5. grabe naman ‘tong writer na ‘to. Di nagresearce. Royette ang binabalita mukha ni romel ang nakalagay. At  anong “vailable”? tsk..tsk..tsk.. balik ka sa grade 1 Mr. Alinio. 

  6. Maging leksyon sana ito sa mga celebrities or related sa mga sikat na celebrities…hindi porket artista kayo ehh lusot na kayo sa batas!!!

  7. hindi naman siguro tamang idegrade and personality ng writer..o nga at mali yung speeling or yung picture..ok ng sabihin yun pero and sabihing bakla at bobita ay hindi na tama…

  8. Napaka-iresponsable naman nitong si Morly. Mali ang picture, dapat tanggalin na nya agad yan and writer ka so dapat marunong ka mag-spell at kung hindi naman eh pwede ka naman mag-tagalog.

  9. Gulat din ako at iba ang litratro..si Rommel at hindi si Royette. Palitan dapat kaagad iyan dahil damaging ito kay Rommel dahil yung mga hindi alam ang itsura ni Royette akalain siya ang may sala, lalo na yung hindi nakakakilala kay Royette. Baka mapahamak pa yung tao sa may mga may galit kay Royette. Posting a wrong picture is not acceptable at irresponsible..lagot ka, baka kasuhan ka! Diba si Royette yung President ng World Army ba iyon..yung nangharass din sa mga Illana boys, at madalas nasa gulo at nanghahamon, etc.?

  10. Anong nangyari sa misis ? Binayaran, tinakot, binugbog uli ? Dapat, huwag umatras para maturuan nang leksiyon ang mga magkakapatid na ito. Siguro naman, huwag na ring pakawalan at kalimutan ang HOMICIDE case niya.

  11. @ronnie – YOU SAID IT GIRLASH SPEAKING LIKE A TRUE BLUE FAGGOT IN DEFENSE OF THE GREEN BLOOD SOCIETY HAHAHA

  12. feeling naman ng iba dito eh walang karapatang magkamali ang writer, bailable nga ang tama pero tama bang laitin ung tao at sabihin na bakla na boba pa? insulting in a way na pag bakla ka na dapat dapat bumawi ka sa ibang bagay dahil negatibo na ung pagiging bakla nya?

  13. Nagulat din ako…Royette ang sinasabi pero si Rommel ang nasa litrato…a case of human error o…

  14. oo nga si rommel padilla yan at di si royette..at saka vailable daw…pano ka naging writer?…

Leave a Reply

Your email address will not be published.