Eagle Riggs, pinatalsik na sa Unang Hirit! – Ronnie Carrasco

SELECTIVE DEDMA NA sana ang aking editorial stance on an Eat Bulaga! host, si Kim Idol, a.k.a Kim Dino, kung hindi lang dahil sa mga nega feedback na naririnig ko tungkol sa kanya.

Hindi ako masyadong pamilyar kay Kim, definitely, he’s not as popular as Kim Chiu or Kim Atienza. Pero siya ‘yung tabachinang bading sa EB, a protégé of Allan K na produkto ng mga stand-up comedy bar, nabigyan ng break sa TV at isa nang celebrity kuno.

Para ma-validate ko mismo ang mga sinasabi ng viewers sa kanya, pinanood ko ang hitad. In fairness, mahusay siyang kumanta. Passable rin siya sa pagpapatawa. Pero hindi magaan ang dating, this I must confess to Ms. Malou Choa-Fagar.

Sa likod din pala ng kanyang talent lies a self-centered persona. Naging four-time champion na pala si Kim sa All Star K! noon (now Banda-oke). Sa kanyang unang panalo ay pulos pamilya raw niya ang nakinabang sa mga napanalunan niyang showcase, including ‘yung pagpapagawa niya ng bubong ng kanilang bahay.

Then came his fourth attempt in defending his title, sinabihan na raw siya ni Allan K ng: “Oy, bakla, mamahagi ka naman sa ibang tao, hindi ‘yang puro pamilya mo na lang ang binabalatuhan mo! Kasuwapangan na ‘yan, bakla! Hindi ka magtatagumpay sa buhay kung suwapang ka!” D’un na raw natauhan si Kim, napilitang i-donate ang kanyang panalo sa isang charitable institution.

SIMULA KAHAPON AY hindi na nga nag-report sa Unang Hirit si Eagle Riggs, ang paboritong host na lagi nang naa-assign in remote coverages of events ng naturang early news program ng GMA.

Effective January 15 kasi ang “pagpapatalsik” kay Eagle on the grounds na sumasailalim daw ang UH sa reformat, thus making it newsier. Siyempre, inalmahan ni Eagle ang katuwirang ‘yon: hindi pa raw ba newsy ‘yung italaga siya sa mga lugar kung saan nasalanta ang marami nating kababayan ng mga nagdaang bagyo?

Ang nakabibilib kay Eagle, until his last day, his energy hardly wavered a bit. Sa isip-isip ko, ito ba ‘yung host na mapapanood na nagbabalita pa rin with the same level of enthusiasm sa kanyang trabaho? Sa paghahanda sa pista ng Sto. Niño sa Tondo ini-assign si Eagle, that being his last day of work, yet there was barely any trace of bitterness nor rancor.

“Ang gusto pa sana ng News and Public Affairs, eh, i-extend ang stay ko until January 30 kasi raw hindi pa sila handa sa pagre-reformat. Ang sa akin, ‘Ano ‘yun?’ Prinsipyo lang naman ang ipinaglalaban ko,” himutok ni Eagle sa kanyang text message sa akin.

Oo nga naman, there’s got to be some seriousness on the part of GMA News after having served Eagle his walking papers. Para naman nilang ginagawang batang paslit ang bakla!

Inagawan nila ng lollipop, tapos, bibigyan nila ng kendi para tumahan! All I know, with Eagle’s wide gamut of talents, lollipopping in the figurative sense included, mas malawak ang kanyang mararating!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “Eagle Riggs, pinatalsik na sa Unang Hirit! – Ronnie Carrasco

  1. buti nga sa pamilya napupunta yung premyo kesa sa mga boylets nya. haaay ang dumi ng utak ng writer na to tsk tsk…

  2. i actually like eagle. i think he has a good work attitude, teysi ng tahanan days pa lang. sana bigyan siya ng magandang project, he deserves it. talagang professional.

  3. Quote: Para ma-validate ko mismo ang mga sinasabi ng viewers sa kanya, pinanood ko ang hitad. In fairness, mahusay siyang kumanta. Passable rin siya sa pagpapatawa. Pero hindi magaan ang dating, this I must confess to Ms. Malou Choa-Fagar. Unquote

    mr. writer, ano naman ang ibig mong sabihin na “i must confess to ms MCF?” komo ba hindi magaang ang dating sa ‘yo ng isang tao eh ire-report mo agad para mapaalis sa show? ‘yan ba ang gawain isang taong matino? sa tingin mo makatao ang gagawin mo?

    ‘di ba ang pinag-uutos ng DIYOS, alisin mo na ang lahat sa isang tao ‘wag lang ang pinagkukunan niya ng kakainin? gawain ba ‘yan ng isang taong may pinag-aralan? ‘yan ba ang natututunan mo sa isang christian network?

    alam mo hindi constructive ang paraan ng pagsusulat mo eh! destructive ang ginagawa mo!

    HOY, GISING!

    • on this side hotkwi I agree with you (new zealand ba?) christian ang projection mo pero yung buntot mo is showing he he he maraming may alam na sa mundong eto yang mga propetang bulaan na gumagamit ng mga salita ng tunay na Diyos at may haway na rosaryo pero sila ang mas masama ang iniisip sa kapwa. GISING ang mga ginigising mo baka ikaw ang binabangugut kaya ikaw ang gumising.. hi hi hi hi

  4. tama ang karamihan d2…hindi dapat gingwang issue ang pagtulong ni kim sa pamilya nya…cguro nmn c kim ayaw nya lng maransan uli ang hirap na dina2s nila dati…he has a talent na pinagka2kitaan nya at ung pagsi2kap nya ay para sa pamilya nya at hindi pra sa ibang tao…

  5. Diyos ko naman, ano ba’ng masama kung uunahin mo ang pamilya mo? diba iyon naman talaga ang aim nating lahat? masama pa ba yon? ewan ko sa writer na ito. nakikita ko ang mga mata niyang nanlilisik sa inggit. buti nga sa pamilya binigay kesa mga lalaki lang mapupunta? kelan pa naging masama ang tumulong sa sarili mong pamilya? diba charity starts at home? unahin mo muna pamilya mo tapos pag okay na cla, that’s the i-extend mo blessings mo sa iba. grabe mga taong to. basta lang may masabi hala bira agad. di man lang inisip kung tama ba iyong mga pinagsasabi. mainggitin talaga tong writer nato pansin ko lang. kasuklam talaga. hindi yata naambunan ng blessings mo kim. wala kasing talent to kaya puro inggit na lang napifeel niya.

    • tama, una sa lahat ay ang pamilya ang dapat tulungan at kung may matira outside your bakod na.

      nangiintriga si cariaso siguro hindi naambunan ng panlalake nya. hanga pa nga ako kay kim at least may napupuntahan yung pagsisikap nya.

  6. Wala naman akong makitang masama kung ang pina-prioritize ni Kim ay ang family niya, hindi naman sila well-off na family. Magpapaka-plastic ba siya na maging charitable, kung nangangailangan rin naman sila?? Charity begins at home, ika nga. Napaka-hypocrite lang at napaka-nega na writer nitong si Ronnie Carrasco.

  7. hindi po msama mg share ng blessings..hndi nman cguro llahatin…just enough to make someone smile for the good gesture…

  8. Dapat mas unahin ni Kim ang pamilya n’ya at sarili n’ya, ‘no? Showbiz is highly competitive. Baka in five years wala na s’yang trabaho so dapat ang income n’ya para lang sa pamilya n’ya at savings n’ya at hindi para sa ibang tao. Okay lang sana kung bilyonaryo s’ya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.