E-Library sa Navotas, Binuksan na

PORMAL NANG binuksan ang bagong e-library sa loob ng newly-rehabilitated library ng Navotas ngayong araw Biyernes, Agosto 16, 2013 para sa mga mag-aaral ng nasabing lungsod.

Ganap na alas 9:00 ng umaga, nagbigay ng libreng computer at internet use, ito ang libreng serbisyong ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco upang itaas ang antas ng edukasyon sa Navotas sa tulong ng Sangguniang Kabataan o SK.

Ang mga desktop computers na ilalagay rito ay ipinagkaloob ng Sangguniang Kabataan ng Barangay North Bay Boulevard South, Sipac-Almacen, Tangos at Tanza ngayong araw, Agosto 12, bilang suporta sa nasabing proyekto.

Inaasahan ding magbibigay ng desktop computers ang SK ng Barangay San Roque, North Bay Boulevard North at Daanghari bago buksan ang bagong pasilidad habang ang iba pang SK mula sa 7 natitirang barangay ay nangakong maglalaan din ng pondo para sa proyektong ito.

Magagamit ang nasabing pasilidad tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Upang masiguro na sa pag-aaral at hindi sa paglalaro o anupamang bagay gagamitin ang computer at internet services, lilimitahan ang gamit ng estudyante sa isang oras bawat isa at ipagbabawal ang facebook at iba pang social networking sites.

“Kasalukuyang inaayos na rin ang Audio-Visual Room (AVR) sa parehong building upang magamit sa mga educational presentation, discussion o forum at maging libreng livelihood seminars ng lokal na pamahalaan at uumpishan na ang isang book drive sa iba’t ibang paaralan at barangay na may temang ‘Share your Knowledge, Donate Your Books Now’ upang mahikayat ang pagbabasa at pagkakaroon ng bagong kaalaman ng bawat Navoteño,” ani ni ng punong lungsod.

“Sinisikap rin po natin na makakuha mula ng suporta mula iba pang library, national agencies, non-government organizations at publication companies sa Metro Manila upang ma-update ang mga reference books ng ating city library,” dagdag pa nito.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.