E-Learning sa Navosta, Isinulong ni Tiangco

ISINUSULONG NI Navotas Mayor John Rey Tiangco, ang E-Learning sa lungsod, ito’y matapos imbitahan ang Computer School on Wheels (COW) ni Congw. Bernadette Herrera-Dy, ng Bagong Henerasyon Party-List.

Unang tinungo ng COW ang Tangos National High School, isa sa may mala-king bilang na mga mag-aaral, kung saan ituturo ang pangunahing kaalaman tungkol sa MS office.

“This is in preparation and support of the LGU’s long term plan to build an E-Learning Center in the City Library where students can use personal desktop computers for their school activities and research assignments for free,” Tiangco said.

Naniniwala rin si Tiangco na ang pagtuklas sa bagong teknolohiya ay isang malaking oportunidad para sa mga kabataang Navoteño upang lalo pang mapalawak ang kanilang kaalaman at matutunan, kaya’t inabisuhan rin nito na dapat ang samantalahin ang nasabing pagkakataon.

Ang 64 high school students na magtatapos na sumailaim sa libreng seminar workshop sa loob ng limang araw ay makakatanggap ng accredited certificate mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.