e-Innovations ng PhilHealth, Inilunsad!

INILUNSAD KAMAKAILAN ng social health insurer ng bansa ang limang (5) electronic innovations upang mapagbuti ang operational efficiency, lalong ilapit ang serbisyo nito sa mga miyembro, at mapadali ang pagbeberipika ng benefits eligibility at ang pagpoproseso ng mga claim.

Sa isang seremonya na ginanap sa Discovery Suites, inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bago nitong corporate website, www.philhealth.gov.ph, online mapping services, electronic registration system, health

insurance card at Phase I ng e-Claims project .

Ayon kay Dr. Eduardo P. Banzon, ang Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth, ang teknolohiya sa pagbibigay impormasyon ay “magsisilbing daan upang patuloy na matugunan ang  programa para maibsan ang kahirapan” at ang PhilHealth ay magpapatuloy na gamitin ang teknolohiyang pang-impormasyon para matugunan nag pangangailangan ng mga miyembro nito sa buong mundo. “Patuloy naming itutulak ang IT bilang isang paraan upang maibsan ang kahirapan,” ani Banzon.

Dagdag pa niya, “Tayo ay gagamit ng cloud servers, electronic ID cards, mobile at on-line system at hindi kami natatakot na maging katuwang ang pribadong sektor hinggil dito. Lahat ng ito ay aming ginagawa upang maging simple ang segurong pangkalusugan sa mga mahihirap, kasama na rito ang unti-unting pagbabawas sa napakaraming forms at iba pang dokumento. Ang Kalusugang Pangkalahatan ay magagawa at mangyayari ito sa lalong mada-ling panahon.”

Ipinahayag naman ng Kalihim ng Kalusugan at Chairman ng PhilHealth Board na si  Dr. Enrique Ona na “sa pamamagitan ng paglulunsad ng pagpa-patupad ng IT, makasisiguro tayo na ang ating mga manggagamot ay kaagad at mabilis na mababayaran sa kanilang serbisyo at ang e-Registration ang magiging tulay upang mapadali ang pagpaparehistro ng mga miyembro sa PhilHealth.”

Ang bagong website na mas malinis at kaya-ayang tingnan ay nagsisimula sa tatlong pangunahing panel: MEMBERS, CORPORATE PARTNERS at ONLINE SERVICES. Kabilang rin dito ang iba’t ibang online services bilang tugon sa pangangailangan ng mga stakeholders ng PhilHealth.

Isa rito ay ang online mapping service, isang pasilidad upang makita ang iba’t ibang lokasyon ng mga tanggapan ng PhilHealth sa rehiyon at iba’t ibang mga sangay, gayundin ang mga akreditong pasilidad pangkalusugan. Ipinapakita rin nito ang iba’t ibang mga datos ng ahensiya sa pamamagitan ng paggamit ng statistical maps, at ito ay maaaring makita sa pamamagitan ng tatlong lokasyon sa corporate website: About Us, Health Facilities Location at PhilGIS.

Ipinakita rin sa pagtitipon ang paggamit ng e-Registration Facility, isang web-based application para sa mga nais maging miyembro ng PhilHealth. Ito ay ibinibigay sa publiko ng libre at naglalayong makapagparehistro ng mas maraming indibiduwal sa pamamagitan ng Internet.

Inlunsad din sa okasyon ang Health Insurance Card. Ito ay isang instrumento ng pagkakakilanlan, eligibility verification at utilization recording. Mayroon itong espasyo para sa larawan ng miyembro na sa kalaunan ay magagamit nila sa pag-a-avail ng benepisyo sa mga ospital at pasilidad pangkalusugan.

Ang Claims Eligibility Web Service na tinaguriang Phase I ng eClaims Project ay inilunsad din para naman sa kapakinabangan ng mga akreditong ins-tititional health care providers. Ito ay isang pasilidad upang matiyak  kung ang pasyente ay nakarehistro sa PhilHealth at may sapat na kontribusyon upang maka-avail ng bene-pisyo. Ang proyektong ito ay inaasahang magpapabilis sa eligibility verification process sa ospital nang sa gayon ay maiwasan ang Return-to-Hospital (RTH) na mga claims dahil sa member eligibility concerns.

Positibo naman at malaki ang paniniwala ni Dr. Alvin B. Marcelo, ang Chief Information Officer ng PhilHealth na kapag naipatupad na ang tatlong (3) phases ng proyektong eClaims, “ang pagpoproseso ng claims ay maaarimg maisakatuparan sa loob lamang ng 72 oras.” Idinagdag pa niya na ito ay magkakaroon ng pilot implementation sa mga pampublikong ospital sa Hunyo. “Ito ay isasagawa ng mga ospital na nasa Level 2, 3 at 4 upang agad na maging kapaki-pakinabang ang mga benepisyo sa mga miyembro nito.”

 

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.