E-Innovation sa Kalusugan, Inilunsad ng PhilHealth

KASABAY NG pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), inilunsad ang kanilang online services sa official website na www.philhealth.gov.ph sa Discovery Suites, Ortigas Center, Pasig City, kahapon, Pebrero 14.

Inaasahan ng Phil-Health na mas mapapadali ang pagbibigay nila ng serbisyo sa pamamagitan ng electronic registration, claim verification at online mapping sa mga electronic premium reporting at hulog ng mga empleyado.

“We will use information technology to equalize the poor,” pahayag ni PhilHealth President and CEO Dr. Eduardo P. Banzon.

“The site welomes our visitors to three major sections that are primary interest to our stakeholders. These are members, our corporate partners and our online services,” dagdag ni Dr. Banzon.

Sa loob ng dalawang buwan, inaasahang maisasalin sa wikang Filipino ang website para mas madaling maintindihan ng masang Pilipino.

Sa presentasyong ipinakita, nakapaloob sa miyembro ang iba’t ibang kategorya: ang overseas worker,  individual payer, sponsored, employed, at lifetime.

Kumbiyente rin ang nasabing inobasyon lalo na sa mga hospital workers sa pamamagitan ng Institutional Health Care Provider System na mas mabilis makita ang membership status ng mga may PhilHealth na mas, na nakapaloob sa national targeting system for poverty reduction (NHTS-PR) sa mga benepisyo.

Sa binubuo ring community monitoring system ng Department of Health, katuwang ang PhilHealth, ay maipaaabot ang serbisyong pangkalusugan sa mga Indigenous People sa bansa.

(MJ BALAGUER)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.