DZME Lady Broadcaster, Inilibing Na

NAIHIMLAY NA SA kanyang huling hantungan ang DZME Lady Broadcaster na si Marlina “Len” Flores-Sumera sa Holy Cross, San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Gaya ng inaasahan, buong kapitbahay ni Len sa Maysilo, Malabon City ay dumagsa para ihatid sa kanyang libingan ang public servant.

Itinuring ng mga kapitbahay ni Len na pinakamalungkot ang araw ng pagpaslang kay Len dahil ito ang nakipaglaban para mabigyan sila ng lupa sa kanilang lugar.

Marso 23, pasado 9:00 ng umaga nang mapaslang si Flores-Sumera, 100 metro ang layo sa kanilang tahanan sa Maysilo, Malabon City, kung saan isang punglo ang pinakawalan ng hindi nakikilalang salarin sa kanyang batok na nagtagos sa kanyang kaliwang mata.

Papasok na ang lady broadcas-ter/public servant sa DZME 1530 Radio Station sa Caloocan City para sa kanyang programang “Arangkada Kinse Trenta” nang abangan ito ng nag-iisang salarin.

Malapitan itong binaril ng suspek, kinuha ang basyo ng bala gayundin ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang salapi at cellphone.

Malaki ang paniniwala ng Nor-thern Police District (NPD) na land dispute ang motibo ng pagpaslang kay Flores-Sumera.

Samantala, inihayag ng isang nagngangalang Dante, kasama-hang lider ni Flores-Sumera na nakikipaglaban hinggil sa lupa na tukoy na ang utak sa pagpaslang sa broadcaster at umaasa rin ito na madaling mabibigyan ng kataru-ngan ang pagkamatay ng babaeng public servant. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.