Dyowa ni Rufa Mae Quinto, misteryo pa rin! – Lolit Solis

UNFAIR NAMAN KAY Mark Anthony Fernandez na pagbintangan na namang bumalik sa pagdu-droga kaya tinanggal na raw ito sa Darna.

Siyempre, nilinaw ko ito sa mga taga-Darna pati sa ilang executives ng GMA-7 at sila nga ang unang nag-react na hindi totoo ang lumabas na balita.

Totoong malapit nang magpaalam si Mark Anthony sa Darna dahil sa kanyang kalusugan. Sa January na magtatapos ang Darna at si Mark naman ay hanggang end of December na lang siya kaya bale ‘yung huling isang buwan na lang siyang mawawala.

Sobrang napagod kasi si Mark sa halos araw-araw na taping kaya gusto muna niyang magpahinga dahil pagkatapos nito, gagawin agad niya ang isang pang GMA Telebabad na pagsasamahan naman nila ni Regine Velasquez.

Kaya maayos siyang nagpaalam sa mga taga-Darna na magpapahinga muna siya at paghandaan niya nang husto ang susunod niyang gagawin na project sa GMA- 7.

Ang isa pang dahilan, nagkaroon ng cyst si Mark sa dibdib at kailangan niya itong paoperahan. Magmula nu’ng namatay ang Papa niya sa sakit na cancer, nag-iingat na si Mark at natatakot na siya na mangyari rin sa kanya ‘yun.

Kaya paooperahan pa raw niya itong cyst na tumubo sa dibdib niya at sana nga benign naman at hindi ito cancer. Gusto lang ni Mark na pangalagaan ang kalusugan niya dahil halos wala na nga siyang pahinga.

Siguro tigilan na ang ganu’ng intriga sa aktor dahil hindi naman totoo at matagal na siyang nagtino. Hindi naman daw siya nagagalit na may mga ganu’n pang intrigang naglalabasan dahil parang may stigma na raw ito sa kanya pero tinitiyak ni Mark na hindi totoo ‘yung bumalik siya sa pagdu-droga dahil sa dami nga naman ng ginagawa niya, may panahon pa ba siyang mag-droga.

Hay naku! Basta may maisulat lang hindi man lang muna kinumpirma o kinuhanan ng reaksiyon ang taong involved.

HANGGANG NGAYON, MALAKING misteryo pa rin itong napabalitang boyfriend ni Rufa Mae Quinto dahil hindi pa rin niya ipinakikilala kung sino talaga ito.

Marami nang nagkuwento sa akin kung sino itong tinutukoy niyang boyfriend pero diretsahang sinabi ni Rufa Mae na walang sabit ang dyowa niya at single na single ito. Kaya nga raw nagbigay na sa kanya ng engagement ring at nag-alok na nga raw na magpakasal. Paano mangyari ‘yun kung may sabit nga?

Ang huling statement na naman ni Rufa Mae, sa susunod na taon ay medyo lie-low na nga raw siya at gusto na niyang mag-focus sa kanyang sarili at maaaring humantong ito sa kasalan. Kaya hintayin na lang natin kung mangyayari nga ito at kung makikilala na natin ang lalaking ito.

Basta ako, feeling ko, ‘yun pa rin ang duda ko na sinasabing karelasyon niya. Kaya lang, hindi ko naman puwedeng sabihin at mahirap na. Abangan na lang natin kung meron ngang ipakikilalang boyfriend si Rufa Mae at kung single nga ito.

Wish pa nito na sana sa darating na Pasko, makasama raw niya ito dahil hindi naman daw siya mag-a-abroad at magiging abala ito sa promo ng pelikula niyang Wapakman kasama si Manny Pacquiao.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Dyowa ni Rufa Mae Quinto, misteryo pa rin! – Lolit Solis

  1. oo nga nabalitaan ko din yan mag wowork kc s siete ang isa sa mga friend ko c mikey arroyo nga daw ang syota ni peachy true pla un sa twitter ni DJ mo mahilig tlga sa mayaman c rufa mae kya yumayaman ang lola mo

  2. lam nyo yang c ruffa mae pambansang kabit din yan,jowaq nyan c mikey arroyo pero hindi bulgar lam mo na malakas ang kapit ni kabit db?as in engaged na daw ang dlawa un bahay nya sa US c arroyo lng nman ang bumili,galing ding magtago ni peachy hay sa showbiz nga nman…

  3. Promise Ms Lolit, I didn’t believe that article regarding MA’s drug issue. I’m pretty sure that Mark will keep his word to his dad that Rudy will be proud of him. I’m an avid fan of MA from Dubai. I’m watching all his shows sa GMA since I have ORBIT. Love u Mark

Leave a Reply

Your email address will not be published.