Dyowa ni hunk actor, galit sa baguhang aktres?!

BLIND ITEM: KINSA Siya? May kumakalat na tsismis na diumano, sa break ng isang taping ng isang malaking teleserye ay niyaya ni young actor na kumain ang kasamahan sa show na baguhang aktres. Um-oo naman itong si baguhang aktres dahil siguro tom jones na rin ito. Pagkatapos nilang kumain, at dahil hindi pa ready ang set para sa susunod na eksena, nagyaya naman itong si hunk actor na mag-videoke sila. Sing to the max silang dalawa hanggang sa bumalik na ulit sila sa set ng kanilang show.

Nakarating sa napapabalitang matagal nang dyowa ni hunk actor na si girlilet from the province ang balitang paglabas ng kanyang dyowa kasama ang baguhang aktres at nagalit ito sa hunk actor. Nag-sorry at nagpaliwanag naman si aktor sa girlilet at naayos ang kanilang problema. Pero bakit parang sila talaga kung umasta itong si girlilet? Matagal nang usap-usapan ang kanilang relasyon, pero hindi ito maamin-amin ng dalawa!!!

ILANG TAON NA ring namamalagi sa Canada ang magaling na actress/beauty queen na si Alice Dixson. Pero nitong nakaraang linggo lang, balik-Pilipinas si Alice para simulan ang pinakamalaking drama-serye ng TV5, ang Babaeng Hampaslupa.

Nakausap namin si Alice noong Biyernes sa storycon ng nasabing serye at labis-labis ang kanyang excitement to be back on Philippine Television again. “Well actually I’m very, very excited kasi binigyan ako nang pagkakataon ng Channel 5 na lumabas muli and to do my thing which is to act and do and participate in a big drama series such as this.

“The offer was really undeniably juicy, kaya hindi ako makapag-no and at the same time it’s a good timing… talagang siguro there such a thing as fate. If something is for you, mapupunta talaga sa ‘yo.”

Na-miss ba niya talaga ang mag-drama? “Actually I was looking forward to doing comedy so kung may project d’yan, or a talk show, but hindi naman ‘yun ang dumating kaagad so who knows, maybe in a  couple of months maybe there is something na bagay sa akin.”

Looking forward naman si Alice na makatrabaho ang Queen of Philippine Movies na si Miss Susan Roces. “Yes, undoubdtedly, pagdating ko, well ganito ang nangyari, dumating ako two days ago, and then my neighbors said, ‘Alice nabalitaan namin, nabasa namin sa diyaryo na you’re coming out in this series and Susan Roces is in it with you’, and sabi ko talaga, I didn’t know that, I don’t really know the casting yet, and nu’ng nalaman ko, sana totoo ‘yun.’ Yun nga na-confirm nga kagabi when I met with creative na the one and only Susan Roces will be coming out, it’s our first project together. An’daming firsts eh… ang masasabi ko the Year of the Rabbit for me has always been very successful year. That was the year when Palmolive came out, and I won Binibining Pilipinas. And then the following Year of the Rabbit, ganun din ang suwerte, I got married and I moved abroad… this 2011, Year of the Rabbit again so if you don’t know, this gonna be a lucky year for me so I’m very excited.”

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

Related Post

loading...

5 thoughts on “Dyowa ni hunk actor, galit sa baguhang aktres?!

  1. ito ang isa sa pinakacrush ko noon late 80's and early 90's along side with nadia montenegro and dawn zulueta.. natural beauty…..unlike gretchen she looked exactly like michael jackson hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.