Dyowa ni Diether Ocampo, ‘di nagselos kay Kristine Hermosa

NAG-DISTRIBUTE NG food si Diether Ocampo sa 1,200 kids sa resettlement area sa Bolaon, Pampanga last Saturday. Taun-taon ay hindi nawawala sa selebrasyon ng kaarawan ni Diet ang magpakain ng mga bata with the help of his Kids Foundation. But this year ang pinakamalaking feeding program na ginawa ni Diet for his birthday and with his new love pa na si Rima Ostwani.

Yes, Ka Dani! Present din sa feeding project ni Diet si Rima na nakausap namin habang nagbibigay ng pagkain sa mga batang Kapampangan. First time ni Rima na makasama sa ganitong proyekto ni Diet at first time din niyang nakasama  ang aktor on his birthday.

Isang mamahaling necklace ang regalo ni Rima kay Diet, pero ayaw niyang sabihin ni Rima kung saan niya ito binili. Nu’ng Valentine’s Day ay kuwintas din ang gift niya kay Diet na nahulaan namin na binili niya sa Tiffany sa Makati.

Mag-iisang taon na sina Diet at Rima and so far, wala pa raw silang naiisip kung saan  ise-celebrate ang kanilang first anniversary. Para kay Rima, si Diet na ang lalaking gusto niyang pakasalan.

“Well, all I can say right now is I’m very, very happy with him and I’m very contented. And wherever God will take us, I’m willing to go,” lahad  ni Rima.

Na-meet na ni Rima ang anak ni Diet na si Dream. At the same time, ipinakilala na rin ni Rima si Diet sa kanyang pamilya. Si Rima ang panganay at unica hija sa limang magkakapatid. Syrian ang ama niya habang half-Spanish, half-German naman ang kanyang ina. Marketing graduate sa De La Salle University si Rima at kasalukuyang nagtatrabaho sa Rustan’s Makati.

Nagselos ba siya sa ex-wife ni Diet na si Kristine Hermosa na siyang naghatid at nagbantay sa aktor nu’ng atakihin siya ng arrhythmia sa US.

“Ay! Hindi naman. I would like to thank her for her support and for being there for Diether. Hindi naman po kasi I’m very secured with what I have with Diether.  ‘Yung talagang sobrang strong nu’ng foundation namin. So, we’re very happy and things like that, hindi na po kailangan,” sabay ngiti ni Rima.

MALAPIT NANG MAGPAKASAL ang SexBomb Dancer na si Jopay Paguia sa kanyang boyfriend na si Joshua Zamora. Matagal na rin naman ang relasyon nila at annulled na rin ang unang marriage ni Joshua.

Feeling ni Jopay, it’s about time na harapin na niya ang pagpapamilya. Hindi na nga naman siya bumabata at gusto rin naman niyang magka-anak. Baka nga tapusin na lang niya ang Season 23 ng Daisy Siete (Chacha Muchacha) at saka sila magse-settle down ni Joshua.

Anyway, tampok ang  SexBomb Dancers sa nalalapit na concert ng nag-iisang Rockacoustic Heartthrob na si Sam Milby sa darating na July 25, Sabado, sa Zirkoh Greenhills, 9 pm, pinamagatang Only Me. Mabibili na ang mga ticket sa Zirkoh Greenhills o ‘di kaya, tumawag sa 0917-8878902 (Julie Bonifacio) at 0917-4398587 (Regee Bonoan).

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Related Post

loading...

One thought on “Dyowa ni Diether Ocampo, ‘di nagselos kay Kristine Hermosa

Leave a Reply

Your email address will not be published.