Dyip, naghabol sa kasalan;diretso sa bangin, 14 sugatan

SUGATAN ANG 14 na katao nang mahulog ang sinasakyan nilang jeep sa bangin sa kahabaan ng Naguillan Road sa Barangay Bato, La Union.

Ayon sa inisyal na im-bestigasyon ng Naguillan Police Station, nagmamadali ang nasabing jeep dahil male-late umano na ang mga sakay nito sa isang kasalang kanilang dadaluhan.

Patungong kasalan ang kinilalang drayber ng pampasaherong jeep na si Doddy Boy Nerona, 23, isang residente ng Barangay Delles sa lalawigan nang mangyari ang insidente.

Aniya tinangka ni Nerona na mag-overtake sa dalawang tricycle na nasa harap nito.

Nataranta at nawalan ng kontrol sa pagmamaneho umano si Nerona nang sa kanyang pag-overtake ay biglang bumusina sa kanya nang malakas ang isang motorsiklo na bumubuntot sa sasakyan nila.

Sa pagdiretso at pagkahulog ng sinasakyan sa tinatayang limang talampakang lalim ng bangin, nagresulta ito sa pagtamo ng mga minor injuries sa katawan ng mga pasahero nito na agad namang nadala sa Naguillan District Hospital. Wala namang naiulat na namatay.

Samantala, nasa kustodiya ng pulisya ang jeepney driver sa nangyaring aksidente para sumailalim pa sa imbestigasyon.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.