Dutch na Nanigaw ng Pulis sa SONA, Hinarang ng BI sa NAIA

PINIGIL NG mga miyembro ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang Dutch na si Thomas van Beersum.

Si Van Beersum ang banyaga na nanigaw sa napaiyak na pulis na si PO1 Joselito Sevilla sa protesta sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Base sa impormasyon, lumabag sa Immigration Law ng bansa si Van Beersum matapos lumahok sa protesta sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Hindi kasama ang ganitong aktibidad sa tourist visa.

Overstaying na rin umano si Beersum sa Pilipinas.

Isasailalim sa deportation proceedings ang dayuhan at posibleng ma-blacklist o ideklarang undesirable alien.

Sa isang open letter, una nang inamin ng banyaga ang paninigaw sa pulis. Pero pinuri nito ang hindi pag-atake ni Sevilla sa mga raliyista.

Sinabi sa liham na “After that initial confrontation I got angry and started shouting at the police officer standing in front of me. That police officer happened to be you.”

“I write this letter because unlike the other police at the protest, you did not act violently like your mates and you did not attack us. You did what you thought was right. You were confronted with the repressive character of the police and did not follow the orders of your superiors. This is a noble act.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Dutch na Nanigaw ng Pulis sa SONA, Hinarang ng BI sa NAIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.