Dutch, Dakip sa Pagpapaputok ng Baril

NADAKIP ANG isang Dutch dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril at nanutok pa sa mga nakakasalubong sa C-5 Road, Barangay Ugong, Pasig City.

Sinabi ni Senior Supt. Mario Raresa, hepe ng Pasig City Police na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente kaugnay sa lala-king nagpapaputok ng baril sa lugar.

Agad namang nadakip ng mga rumespondeng awtoridad si Hasnoe Farichad Rahied, human resource analyst ng isang kumpanya sa McKinley Hill, Taguig City.

Narekober dito ang isang kalibre .45 at isang 7 magnum revolver na walang serial number.

Hinihinalang lango sa alak o sa iligal na droga ang dayuhan at hindi makausap nang matino.

Isasailalim na rin ng mga kinauukulan sa drug at alcohol test ang salarin.

Samantala, sasampahan ito ng mga kasong illegal possession of firearms, alarm and scandal at grave threat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.