Dutch at Misis na Sangkot sa Cyber Sex Den, Kinasuhan na

PORMAL NANG sinampahan ng kaso ng Murcia PNP ang mag-asawa na nagmamay-ari ng cyber sex den sa Brgy. Kansilayan, Murcia, Negros Occidental.

Sinabi ni S/Insp. Norberto Barniso, hepe ng Murcia PNP na kasong Qualified Trafficking ang kinakaharap ng Dutch national na si Barteld Simon Eenkhoorn at asawang Pinay na si Melody Bacaro dahil mahigit sa tatlo ang kanilang mga naging biktima.

Napag-alaman na umabot lahat sa walong mga babae ang na-rescue ng mga kinauukulan kasunod ng isinagawang raid sa cyber sex den ng mag-asawa.

Nadiskubre naman ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng 18-anyos na biktima dahil napansin ng kanyang guro na madalas itong natutulog sa klase.

Samantala, sinabi ng biktima na na-hire ito bilang kasambahay sa bahay ngunit sila ay ibinibenta sa mga dayuhan sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng camera sa online internet habang pinapanood ng mga banyagang customer.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.