Dusa talaga ang hearing sa kaso nina Hayden Kho at Katrina Halili

AYAN NA! NALOKA ang judge sa akin nang umupo ako bilang witness sa kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho.

‘Yan na nga bang sinasabi ko kay Atty. Raymund Palad na abugado ni Katrina nang pinadalhan ako ng subpoena. Ano naman ang kinalaman ko sa kasong iyan at bakit ako nadadamay riyan?

Hindi na talaga ako nakatiis. Sa gitna ng hearing, tinanong ko talaga sa judge kung bakit ako nandu’n eh, wala naman akong kinalaman sa kasong ‘yun. Hindi naman ako ang na-video ni Hayden.

Sabi ko pa sa kanila, 63 years old na ako, hindi ko na maalala ang mga nangyari nu’ng nakaraang taon at kung ano man ‘yung pinag-usapan namin nu’ng nagkita kami nina Dra. Vicki Belo at Hayden kasama sina Atty. Lorna Kapunan.

Naungkat kasi ‘yung taped conversation namin, kung saan kumalat ‘yun at doon napag-usapan ang tungkol sa sex video na ‘yun. Hindi ko naman talaga kasi naalala ang eksaktong napag-usapan namin kaya hindi ko na masagot ang ibang tanong ni Atty. Palad.

Ang ending tuloy, ibabalik na naman daw nila ang taped conversation na ‘yun at gagawing ebidens’ya. Kapag na-present sa korte ang taped conversation na ‘yun, maaaring pabalikin na naman daw ako para ma-refresh sa akin ang lahat ng napag-usapan namin. Nakakaloka! ‘Yun na lang talaga ang masasabi ko, ‘Day! Nakakaloka!

Mukhang matagal pa ang kasong ito kahit halos linggo-linggo ay naghi-hearing sila. Mukhang pati ako magdurusa rin sa kasong ito na wala naman akong kinalaman.

Ang layo pa naman ng Pasig-RTC at ang aga ng hearing, kaya dusa talaga. Sana hindi na ako pabalikin du’n, ‘no!

NATUWA NAMAN AKO sa alaga kong si Alfred Vargas. Talagang konsehal na ang dating nang naka-lunch namin ito sa Romulo Café nu’ng kamakalawa lang.

First day pa lang daw niya nu’ng araw na ‘yun sa city hall pero hindi pa talaga sila nagsisimula sa office dahil sa July 12 pa talaga sila magsisimula. Pero inaayos na niya ngayon ang office nito na dating kay Aiko Melendez.

Marami pa raw siyang aasikasuhin sa office niya at sa mga sisimulan niyang projects kaya talagang busy-bisihan na siya ngayon bilang konsehal.

Medyo malusog pa siya ngayon kaya ayaw muna niyang lumabas ng TV dahil madugo pa ang pagpapapayat niya.

Pero gustung-gusto na rin daw niyang bumalik sa pag-arte dahil ayaw naman niya itong talikuran.

Kaya time lang daw, maaaring ang MWF ay nasa city hall siya at ang dalawang araw ay ilalaan niya sa taping o shooting.

Kahit medyo may katabaan pa ito, natapos naman niya ang isang indie movie na kasali sa nalalapit na Cinemalaya Festival. Ito ‘yung Ang Paglilitis kay Andres Bonifacio.

Proud na proud siya sa pelikulang ito dahil maayos daw ang pagkakadirek sa kanya ni Mario O’Hara. Lalo pa nga siyang ginanahan ngayon na bumalik sa pag-aartista dahil kapapanalo lang niya bilang Best Actor sa nakaraang MTRCB Film Awards.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Dusa talaga ang hearing sa kaso nina Hayden Kho at Katrina Halili

  1. manay totoo bang may anak na si pokpok KATIrina Halinghing? maaga kasing nakipaglandian at kumarengkengkeng kaya nabuntis noong high school sya at nakatago daw sa Palawan ang bata na 6 or 7 years old na ngayon according to rey pumaloy..

    itsura palang ng kabayong bakla na ere ang landi na!

    pag nanalo yan sa kaso hindi pa rin yan titigil sa pabooking sa mga mayaman at matandang lalake dahil di lang naman pera ang habol nya kundi para mairaos din ang kakatihan ng pekpek nya!!

  2. LOLIT, ANTANDA MO NA, DI MO PA ALAM TAMA AT MALI. HILIG MO KC MAKISAWSAW SA PROBLEMA NG IBA. KAMPI KA PA NG KAMPI SA MALI PORKET LANG MAY PINAKIKINABANGAN KA DUN SA TAONG YUN.

  3. Manay Lolit, bakit mo tatanungin ang judge kung bakit ka kasali sa hearing na yan? Eh IKAW misno ang nag umpisa ng issue na yan di ba? Ikaw ang nagkuwento ng nagkuwento sa grupo ng mga reporters na pinanood nyo ni Dra. Vicky Belo ang tape. Di ba sabi mo pa dati eh sumakit ang balakang mo sa kaka demonstrate kung paano ang pag galing ng mga bida sa sex video na yan?

    I know matanda ka na at pwede mo ngang sabihin na nakalimutan mo na ang mga pangyayari. Pero hind ipwedeng mabura ang katotohanan na involved ka dyan dahil ikaw ang nagsimulang maglabas ng issue na yan. At yan ay dahil sa pagiging IRRESPONSIBLY TALKATIVE mo.

    Yun lang po un. Sana next time, wag gawing reason na reporter ka o sinumang movie reporters din, para magkalat ng tsismis. Ke totoo man un kung makakasira ng buhay ng mga tao, babalik at babalik din sa inyo ang karma.

  4. lolit go go go..kc very funny ka talaga sigi…go.
    katrina matanda kana para kang kabayong bakla…wala ka bang booking ngaun at medyo mahina ka?baka naman high ka naman…addict ka kc addict sa lahat ng bagay sa mga lalake at sa drugs…pa booking kana para medyo masigla ka ulit…uhaw ka lage sa mga lalake.makati ka pa sa gabi.ambisyosang kabayo.

  5. Ay lolit magbago kna..! Ang tanda mo na. Sana nga nkulong ka dti dahil sa manila filmfest o pinatalsik ka sa Pilipinas.. Hilig mkisawsaw para mkahuthot ng pera.

  6. kase nmn manay lolit..next time wag k kcng msydong linta kung dumikit at wag k n ding mkisawsaw sa mga isyu mabgyan k lang ng datung!matanda k na..maging mabait k n sna…wla ka kcng pingkaiba kay cristy..hmmppp!mga mshoshonda n kc!

Leave a Reply

Your email address will not be published.