Dupang na ‘Asec’ ni P-Noy

NAGING USAP-USAPAN sa iba”t ibang Press Corps sa Metro Manila ang pagkakatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa isa niyang ‘Assistant Secretary’ na nakatalaga ngayon sa isang sangay ng gobyerno sa Quezon City.

Ayon sa ilang nag-uumpukang mamamahayag, ibig nilang ma-bigyan ng kasagutan kung bakit ito in-appoint bilang ‘Asec’ ng mismong Pangulong Aquino.

Wika pa ng mga nag-uumpukang reporters, itong si ‘Asec’ ay ‘bobo’ sa kanilang paningin bago ito matalagang ‘Asec’, kung saan ito ay nagsisilbing Public Information Officer (PIO) ng isang maangas, babaero at higit sa lahat korap na punong-lungsod.

Nang maitalagang ‘Asec’, siya ay nagsisilbi pa ring PIO ni Mayor kung saan umano ay walang kalam-alam ang istrikto nating pangulo.

Napag-usapan pa ng mga mamamahayag, ang role ni Asec kay Mayor ay siya ang PIO officer na walang ‘dokumento’ sa city hall at siya rin ang taga-gastos at taga-hakot ng milyong pondo ng PIO at sa ‘dokumento’ ay may tunay na PIO Officer pero sa katunayan si “Asec” ang PIO boss.

Sa madaling sabi, siya ang taga-mando kung ano ang gagawin at hindi rin siya umano ang gumagawa ng press release ng ‘manyakis’ na mayor dahil hindi siya marunong sumulat. At ang katotohanan, may upahan siyang press release writer.

Tanong ng isang reporter na nakakakilala kay PIO chief, paano natalagang ‘Asec’ si PIO kung press release lang ay ‘di pa marunong gawin?

Masyado raw ambisyoso itong si ‘Asec’/ PIO na kapag nasa kanyang tanggapan sa city hall kung saan siya ay PIO, feeling niya mayor siya at kapag nasa kanyang tanggapan naman sa Quezon City kung saan siya ay ‘Asec’ daw, feeling niya siya ang Presidente.

Kaya umano na-appoint na ‘Asec’ si PIO ay kaibigan diumano ito ni P-Noy, sa kabila nang hindi ito marunong magsulat. Kumbaga, hindi kuwalipikasyon ang umiral, kundi ang pagiging malapit na kaibigan nito ng pangulo.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.