Duncan Ramos, dyowa ng kambal ni Jinkee Pacquiao?!

SABI NGA, ‘WAG mag-deny, don’t tell a lie lalo na kapag marami ang nakakita dahil nahuli ng friend namin ang pagde-date ng dating Southborder frontman na si Duncan Ramos at ng twin sister ni Jinkee Paquiao na si Janet Jamora sa Toyz Café sa The Fort.

Nope! Kahit magkamukha si Jinkee at si Janet, e, hindi puwedeng magkamali ang aming friend. Ang twin sister ni Jinkee ang kasama ni Duncan nu’ng gabing ‘yon.

Kumbaga sa crime scene, e, perfect location ang nasabing bar dahil nakatago ito, away from the popular bars sa lugar na ‘yon at nasa upper level pa ng isang building.

Nasa isang sulok daw ng bar ang dalawa while listening to feel-good music na mukhang feeling goody-goody rin with each other ang magsing-irog.

Pero teka. Sila na nga bang dalawa? Sabi ng mga nakakita, kung ang pagbabasehan, e, ang sweetness nina Duncan and Janet, e, malamang na silang dalawa na ang mag-on.

Naku, kung sakali naman, e, parang naka-jackpot sa lotto nang walang kahati si Duncan dahil alam naman ng lahat kung gaano karami ang pesoses na nakatago sa baul ng yaman ni Manny Paquiao.

Kung marunong mag-addition ang mga observers, e, wan plas wan lang naman ‘yan.

Op kors, dahil nagbibilang ng bilyon si Pacman,e, ganu’n din ang kanyang conjugal partner na si Jinkee, na siyang kapatid naman ni Janet, na rumored girlfriend naman ni Duncan, so, ‘yon ang konek.

Parang ganito lang ‘yan, e. Kung sino man ang magiging boyfriend ni Mommy Dionesia, e, para na rin itong nagwagi ng jackpot sa lotto… getz?

Kaya ngayon pa lang, pa-burger ka naman diyan, Duncan!!!

IN A SHOWBIZ item, nabasa naming itinanggi ni Maxene Magalona na boyfriend niya si Dominic Roco. Napakamot kami ng ulo sa nabasa namin dahil iba ang actions na nakita namin nu’n sa kanyang sinasabi, kung totoo man ‘yon .

Sa isang cast party kung saan kasali si Dominic, e, bitbit niya sa kasayahan na ‘yon si Maxene.

They were both drinking cocktails kaya hindi kami aware kung tipsy sila that night while getting extremely sweet sa isa’t isa.

From a group of barkada, e, they isolated themselves papunta sa isang corner at du’n nila ipinagpatuloy ang kanilang sweetness na malayo sa mga taong nagkakagulosa pa-raffle ng production.

Now, kung itinatanggi ni Maxene na mag-on sila ni Dominic, what was the extra ordinary sweetness all about?

Kung ganu’n ka-sweet si Maxene sa kanyang mga home boys, e, ikaw na ang kanyang maging kaibigan and join the fun, he,he,he!!!

SA MGA REGULAR motorists na dumadaan sa Wilson Street malapit sa Greenhills, one can’t help but notice the huge billboard kung saan ipinakita ng singer-turned-actor na si Lance Raymundo ang kanyang upper body na very obvious na pinagpapaguran niyang i-work-out, perhaps all day and night.

Nu’ng nilapitan namin dala na rin ng aming curiousity because Lance and his family is a good friend, para pala ‘yon sa endorsement ng bagong bukas na Vigen Spa na located din sa street na ‘yon owned by a Korean businessman.

Mukhang hindi naman mapapahiya ang owners ng nasabing spa dahil well-chiseled ngayon ang katawan ni Lance, na siya sigurong dahilan kung bakit nali-link siya ngayon sa resigned Mutya ng Pilipinas grand winner na si Zara Aldana.

Teka… sila na nga bang talaga? Just asking lang po…

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

11 thoughts on “Duncan Ramos, dyowa ng kambal ni Jinkee Pacquiao?!

  1. Grabe naman ito! Mag-isip ka muna bago mag sulat. As if naman na bobo si Manny at Jinkee na yung pera nila ay binibigay lang nila sa kamag-anak nila. Siguro suportado ni Jinkee ang pamilya niya pero wala nman masama doon. Pero kung sabihin mo na makikisawsaw si Duncan sa pera nila Pacman ay malayong istorya ni iyon. Hay naku! Mag-isip munang mabuti bago mag-sulat. May maisulat lang kahit makapang insulto ng kapwa tao.

  2. MABUTI NANG ANG KAKAMBAL NA SI JANET AND KA DATE KESA NAMAN SI DUNCAN AT JINKEE. MAS MAHALAY, DI BA ? AT SAKA, HINDI NAMAN SI JANET ANG MAYAMAN. SI MANNY ANG MAYAMAN AT KUNG SUPORTADO NAMAN NI JINKEE ANG PAMILYA, HINDI NAMAN SIGURO EQUAL SHARE SA YAMAN NILA NI MANNY. MAGISIP ISIP NGA TAYO.

  3. kong sila man ang mag jowa aba Ma at Pa,wala na bang ibang kwento joey,last time i watch Juicy parang sinabi ni fermin na pinalalaki mo lang ang gulo at personal ang galit mo kay bella padilla?
    kaya mo bang tapatan ang power ni fermin,maguging fearless ka rin bang gaya ni Chocoleit?

  4. grabE ka nman jOEy… para mO naring pinamukha na pEra Lang ang haboL ni dunca sa kambaL ni jinkEE, wag gnun kac d mO namamalayan na nkaka insuLtO kna paLa ng taO. pwdE mO nmang kac hnd sabihin ang money mattErs, sEnsitibO kac yan sa mga mg jOwa :]]

Leave a Reply

Your email address will not be published.