Dump truck vs dump truck; 2 patay, 1 malubha

MEYCAUAYAN CITY – DEAD on the spot ang  dalawang truck helper habang nasa malubhang kalagayan naman ang driver ng dump truck, matapos nitong banggain ang sinusundan nitong dump truck sa kahabaan ng McArthur Hi-way sakop ng Brgy. Calvario sa nabanggit na siyudad kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Eric Noble kay PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nasawing biktima na sina Hamer Atienza at Ferdinand dela Cruz, tubong-Bicol; habang nasa kritikal na kundisyon naman ang driver nito na si Lito Tuyoy Y Alarcon, 29 anyos, ng Gen. Capinpin St., Balanga City, Bataan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-4:39 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente, kung saan minamaneho ni Ferdinand Lazaro, 43 anyos, ng Brgy. Sibul, San Miguel ang dump truck na may plakang REU-929 lulan ang lahar, nang bigla na lamang sumalpok sa likurang bahagi ng truck ang sinasakyan ng mga biktima.

Nabatid na lulan ng dumptruck na may plakang RFB-620 ang mga nasa-

wing biktima, kung saan puno rin ito ng lahar na buhangin nang maganap ang insidente. Kapwa pa-South bound ang dalawang truck.

Ayon naman sa inisyal na record ng Bulacan Rescue ng PDRRMC, halos nagkalasug-lasog ang mga buto ng dalawang pahinante sa unahan bahagi ng truck dahil na rin sa lakas ng pagkakabangga, sa likurang bahagi ng sinusundan nitong truck.

May teorya ang mga awtoridad na posibleng nakatulog ang driver at pahinante, kung saan hindi nito napansin ang sinusundan nilang sasakyan. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.