Dump Truck, Bumaligtad; 1 Patay, 19 Sugatan

DEAD ON the spot ang isang construction worker habang sugatan naman ang 19 pang mga kasama nito matapos na aksidenteng bumaligtad ang kanilang sinasakyang dump truck umaga ng Sabado sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, sakay ng dump truck ang 20 mga construction workers na patungo sana sa Albay ngunit pagsapit ng Brgy. Burabod bigla umanong namanhid ang binti ng driver ng dump truck na si Alex Porteria dahilan para aksidente nitong matapakan ang preno ng trak.

Dahil dito nagpagewang-giwang ang trak hanggang tuluyang bumaligtad.

Agad nasawi si Angel Trillanes isa sa mga construction workers habang agad namang isinugod sa ospital ang iba pang mga sugatang biktima.

Sa ngayon nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng trak.

Tiniyak naman ng may-ari ng Alro Construction na siyang may-ari ng trak na sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima ma-ging ang pagpapalibing sa nasawi.                       (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.