Dumlao, Pinababalik Bilang Akusado

GAWING AKUSADO SI P/Supt. Glenn Dumlao, ayon sa abogadong  si Atty. Ferdinand Topacio at ng kampo ni dating P/Sr. Supt. Cesar Mancao, sa pagpatay sa dating Publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito, sa tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima na ginawang  testigo ng prosekusyon.

Batay sa ipinadalang liham ni Atty.Topacio, abogado ni Mancao, iginiit nito na muling pag-aralan ang situwasyon sa kaso ni Dumlao.

Dapat umanong tanungin si Dumlao, kung makapagpapakita siya ng ebidensiya sa taumbayan o mas mabuti kung isama na lang siya bilang isa sa mga akusado.

Nabatid kay Atty.Topacio, sa ginawang balitaan sa Tinapayan sa Bustillos, Sampaloc, Manila kahapon ng umaga, muli nitong iginiit na sana’y mapag-aralan ni Secretary de Lima ang kanyang ipinadalang liham.

Ayon pa kay Topacio, hindi maituturing na state witness si Dumalo, kundi isa lamang “ordinary” witness, dahil nilabag umano ni Dumlao ang kondisyon bilang isang state witness, matapos niyang magpahayag sa media at sa korte, dahilan para mapigilan ang DoJ na ma-prosecute ang mga akusado sa kaso kabilang na si dating Senador Panfilo Lacson.

Bukod dito, sa kanyang sinumpaang salaysay sa DoJ, isinangkot ni Dumlao si P/Supt.Michael Ray Aquino, na umano’y nag-utos sa kanya para i-surveillance si Dacer. Inamin din niyang nandoon siya pagkatapos na dukutin sina Dacer at Corbito at maging sa ginawang tactical interrogation sa dalawa.

Gayundin, ang pagsunog sa mga ebidensiya sa isinagawang krimen.

Sanhi nito, sinabi ni Topacio, na hindi dapat maging state witness si Dumlao, sa halip na dapat itong makasama sa mga akusado. (ANTAX EMPLEO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.