Dumayo ng inom, tinarakan, patay

PATAY ANG ISANG mister ma-tapos itong pagtripang saksakin ng isang ‘di pa kilalang salarin nang dumayo ang una sa bahay ng isang kaibigan para makipag-inuman kahapon ng hapon sa Malabon City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tinamong malalim na saksak ng patalim sa kanang dibdib ang biktimang si Ramon Zamora, 30, may-asawa, ng # 1044 G. Solis St., Tondo, Manila.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng Malabon Police para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa hindi pa nakikilalang salarin na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat na isinagawa ni P03 Romel Habig, may hawak ng kaso ng Station Investigation Division Management Bureau-Malabon Police, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Phase 2, Gozon Comp., Bgy. Tonsuya, Malabon City.

Bago ang insidente huling nakitang buhay ang biktima sa bahay ng isang Edgar Famoran ng nasabing lugar at nakiki-pag-inuman.

Ilang oras ang makalipas ay nakita na lamang itong wala ng buhay, nakabulagta sa lupa at may tama ng saksak sa dibdib.

Inaalam na ng pulisya ang tunay na motibo sa pagpaslang sa biktima.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.