Dumadayo pa sa pagbebenta Kelot, kulong sa damo at patalim

BAGSAK SA KULUNGAN ang isang notoryus na drug pusher matapos maaresto ng mga barangay tanod dahil sa talamak na pagbebenta nito ng Marijuana na dumadayo pa sa kanyang mga parukyano para magdala ng iligal na droga sa Caloocan City.

Ang suspek na bukod sa nakuhang tatlong sachet ng Marijuana ay nahulihan din ng patalim habang kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police ay nakilalang si Jay-Ar Fabro, 24-anyos, residente ng #262 Nadurata St., Novaliches, Quezon City.

Sa nakalap na impormasyon kay Chairman Cenon Mayor, kapitan ng Barangay 163, Sta. Quiteria, Caloocan City, dakong 3:40 ng hapon noong Miyerkules nang madakip ng mga tanod ang suspek sa kahabaan ng NPC Road, Brgy. 163, Sta. Quiteria.

Ayon kay Mayor, kasalukuyang nagpapatrolya ang kanyang mga tanod sa naturang lugar nang makita ng mga ito ang suspek na nagbebenta ng Marijuana sa ilang drug addict NPC Road.

Agad namang dinala sa Caloocan City police ang suspek at sinampahan ng kaukulang kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.