Dumadalaw sa bagong dyowa
Melissa Ricks, linggo-linggong nasa Cebu!

BLIND ITEM: Nalolokah na si Gng. Mil-yonarya. Alam naman niya na nagbago na ang sikat niyang mister, dahil nagbalik-loob na ito sa Panginoon. Ang hindi nito kinakaya ay ‘yung pagiging galante ni mister sa mga ka-fellowship.

Nandiyang a-attend lang ng fellowship si Mister Milyonaryo, humirit lang ang pastor nito na palpak ang kanilang sound system, isyu agad ng tseke si mister ng kalahating milyon lang naman para ‘pag siya ang nagsalita sa harap, maganda ang audio at maiintindihan siya ng mga makikinig.

‘Eto pa, dahil isang pastor ang bumati sa napakagara niyang kotse, aba, isang araw, tuwang-tuwa si pastor, alam n’yo kumbakit?  Binilhan siya ng kotse ni Mister Milyonaryo. Juice ko, ano ba’ng hulog ng langit itong nangyayari, hindi ba naman?

At hindi pa natapos doon, me humirit lang na kailangan ang mas malaking venue para sa mga fellowship-fellowship. Ang Mister Milyonaryo, may-I-donate na naman ng malaking sukat ng lupa at pati construction nito ay sagot din niya.

Hindi ba naman ikalokah ‘yon ni Gng. Milyonarya?

Sey nga ng aming source, hindi raw ba parang nauuto-uto na si Mister ng kung sino-sinong lumalapit dito?

Well, siguro, kung para ke Mister Milyonaryo eh, ‘yun ang kanyang paraan para ibalik sa Panginoon ang mga biyaya, walang problema. Kaso mo, ang dami raw mapagpanggap eh, ‘yun daw ang hindi nasasala masyado ni Mister Milyonaryo.

At ang tendency daw, ‘yung mga totoong loyalista nito ay nakakalimutan na, dahil ang mga pastor ang mga bagong kaibigan ngayon nito.

Well, isipin na lang natin na ginagawa lang ni mister ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya na alam din niyang makapagpapasaya sa Itaas.

“Pero sana naman, ‘wag siyang magpauto nang magpauto, dahil ang tendency ngayon, kinakaibigan na siya ng lahat ng pastor!”

 

TILA NAKA-RECOVER na sa dating relasyon itong si Melissa Ricks. Habang ang ex-boyfriend naman nitong si Jake Cuenca ay tila nakikipagmabutihan na kay Lovi Poe.

Inamin naman ni Melissa na ang nagpapatibok ng puso niya ngayon ay isang Cebuano at dating PBB housemate na si Paul Jake Castillo.

Once a week yata ay nasa Cebu itong si Melissa, eh. Eh, bakit ba, du’n siya maligaya, eh. ‘Yun ang kanyang pinakapahi-nga eh. Kami, happy kami for Mel, dahil nahanap na niya talaga ang right guy after Jake.

SI JULIA Montes ay nagtakda na yata sa sarili na hindi muna siya mai-in love dahil nga ang focus niya ngayon ay ang pamilya niya at kayod-to-death din siya dahil mataas ang pangarap niya para sa pamilya niya, lalo na’t siya ang tumatayong breadwinner.

Ang nanay ni Julia ay isang deaf at lola lang niya talaga ang maaasahan niya sa lahat ng bagay. Kaya nga at 17, hindi akalain ni Julia na makakapundar agad siya ng bahay at sasakyan, kaya naiintindihan namin kung saan nanggagaling si Julia sa pagiging “manhid” muna sa pag-ibig.

 

MERONG MAMAMATAY sa Walang Hanggan. At meron ding makukulong.

‘Wag n’yo nang alamin kung sino, dahil kahit pilitin n’yo kami ay hindi namin sasabihin sa inyo, dahil kami naman ang pagagalitan. Mawawala rin ang excitement, kaya ang gagah-gagah namin, sana, hindi na lang namin kayo binitin, ‘no?

Hahahaha! Hayaan n’yo na. Gusto lang naming magpasalamat, dahil mula umpisa hanggang ngayon, nananatiling Walang Hanggan ang pagiging number one ng kinababaliwang teleserye sa primetime.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

24 thoughts on “Dumadalaw sa bagong dyowa
Melissa Ricks, linggo-linggong nasa Cebu!

  1. ITATAYA KO TINGGIL NI MELISSA RICKS HINDI CYA PAPAKASALAN NUNG PAUL JAKE NA JOWA NYA. KAKANTUTIN LNG CYA HANGGANG MAGSAWA SA KANYA TAPOS ITATAPON DIN LNG CYA GAYA NG GINAWA SA KANYA NI JAKE NUNG MADONSELYA CYA AT MALASPAG. BWAHAHAAHAHAHAHAHAHA

  2. baka bukas bukas papirmahin na lang ng blangko si pakyaw ng mga pastor na yan ha ha ha… alam mo naman UTO UTO YAN tingnan nyo banlag na sya… hindi masamang magbigay hwag lang pauto ha ha ha ha…

  3. naiinggit lng yang si ogie diaz kasi di makabalato kay manny…hahaha saka wala nmng masama sa ginagawa ni manny kong inuuto man xa di nya na kasalanan un ayos nga xa eh nagbibigay di gaya ng ibang pulitiko nagnanakaw sa kaban ng bayan

    • Hoy chismoso mo ah, sino ang nagnakaw ng mga kaban ng bayan. Bakit nakita mo ba na ninakaw nila? Nandoon ka ba ng ninakaw nila ang kaban? O yon, sinabi mo sa akin na maniwala lang tayo kong naamoy talaga natin si Jake kung bad breath ba talaga sya. O yun, tanungin din kita, bakit nakita mo bang nagnakaw talaga yong mga politician or baka nabasa mo lang din yon sa mga news. Mag-ingat ka sa pag attack mo sa ibang mga commentors dito kasi hindi lahat bobo.

  4. tama kayo anong lips? ang pangit ng lips nya at ang itim ng labi nya at balita ko me amoy daw hininga nito,nakaka pag taka nga bakit ang gaganda ng project nitong si jake malamang totoo na me kabit to na bading na executive sa dos,swerte si melisa ke paul jake,mayaman,mabait at malaki ang hinaharap,hehehe….

    • May kabit pala itong si Jake na executive? Bisexual pala ang kumag na ito? Siya pala yong na blind item palagi na mabaho ang hininga? Oh my gosh, paano na tolerate ni Melissa yon kung naghalikan sila.

      • mga chismoso at putape talaga kayo ano…tsismis lng na mabaho hininga ni jake cuenca…kong naamoy nyo na at nakahalikan xa don kayo maniwala mga bugok…hahaha

      • Kung ayaw mo sa mga chismoso, at puta, bakit nandito ka te. Doon ka sa mga US news na website, para hindi ka ma high blood. Simple lang ang solution ng problema mo, huwag kang magpunta dito sa Pinoy Parazzi website kasi website ito ng mga tsismis at scandal.

  5. ANG DALI NAMAN NG BI HEHE, SI MANNY PACQUIAO BA YAN? HAHA! 
    IN FAIRNESS KAY MELISSA SUWERTE RIN NAMAN XA KAY PAUL JAKE DAHIL GUWAPO NA, MATALINO, MAYAMAN AT MALAKI ANG… PAGMAMAHAL SA KANYA HAHA!

  6. Eh kasi naman, Jake Cuenca can’t be fully committed. Why? a girl will always compete with the Powerful TV Executive . I don’t know why the management of ABS CBN lets these man hungry TV Executives run their business. So unprofessional.

  7. Ogie, any man is better for Melissa huwag lang si Jake. Kaya blessing in disguise na naghiwalay sila. Ang maganda lang kay Jake ay yong milky complexion niya at red lips. Other than that, parang walang laman ang utak.

    • anong Lips? wala ngangLips si Jake Cuenca my gosh. Para siyang lalaking walang labi sa itaas yuck!

      • hahaha tama ka jennilyn, kasi nga ipinanganak na ‘may biyak sa labi’ yan, at inoperahan. Inamin naman nya sa sa past interview sa kanya…

      • gandara, fake pala yong lips ni Jake? Kaya pala napaka red ng lips nya? Akala ko natural yong pagka red ng lips nya.

  8. Iyan kasi ang problema sa naging at maging mayaman na, hindi na nila makilala ng lubos kung sino talaga ang mga tunay na kaibigan nila. I agree, hindi naman bad kung tumulong tayo sa ibang tao pero kung makita mo naman na umaaboso na yong ibang tao dyan, kailangan din na Manny will be wise enough to control it before it gets out of hand. Iyan pa naman, gusto pa naman ni Manny ng higher position sa politics, hindi nga niya macontrol yong nag take advantage sa kanya ngayon, paano na lang kung siya ang maging Vice President or President na? Daming corruption talaga dahil hindi niya ma control yong mga tautauhan niya, hindi marunong mag stand and hindi alam kung sino ang nag take advantage sa kanya. Kaya hindi ito bagay maging public official si Manny dahil sa daming kapalpakan nangyayari sa buhay, hindi nga niya ma control. Sa tingin ko mas may utak pa itong si Jinkee kesa ke Manny. Pareho lang itong si Manny at Mommy D.

  9. BI: Manny Pacquiao… siya lang naman ang ganyan ka-galante na masyadong devoted sa spiritual beliefs niya..

Leave a Reply

Your email address will not be published.