Due to delicate pregnancy: Glydel Mercado had to chicken out regular TV assignment

LITTLE DID GLYDEL Mercado know that she would soon be a mother again. Exactly today, pitong linggo pa lang  dinadala ni Glydel ang magiging second child nila ng asawang si Tonton Gutierrez, a pregnancy which may be deemed long-overdue considering na ang panganay nilang si Anissa is now seven years old.

Glydel’s pregnant condition, however, came as a pleasant surprise. Prior to her discovery, panay pa nga raw ang jogging ni Glydel. Since nagpapatayo siya ng salon business, inakala rin ng aktres na nahihilo lang daw siya sa amoy ng pintura.

Having suspected na hindi karaniwan ang kanyang nararamdaman, Glydel asked a female friend to go by a pregnancy test kit from a drugstore. She tested positive. Still unconvinced, mismong ang kaibigan na rin niya ang nag-volunteer to repeat the same process via a more expensive PT kit. Again, it yielded the same result.

Pero hindi ito ang catch as told by Glydel herself in a phone patch interview on Tweetbiz Insiders over the week. Kaswal daw na ipinakita ni Glydel kay Tonton ang PT result. “Babes, ano sa tingin mo ‘to?” tanong ni Glydel sa dyowa. Sinipat ni Tonton ang ipinakita ng kanyang misis, “Eh, ‘di pregnancy test.”

Sagot ni Glydel: “Oo nga, pero ano sa tingin mo ang sinasabi nito?” Sey ni Tonton, still clueless: “Buntis ang kaibigan mo.” Biglang kambyo si Glydel, du’n na niya inaming it wasn’t her friend’s pregnancy test that bore positive result, kundi ang sa kanya mismo.

Before she knew It, napansin daw ni Glydel na mangilid-ngilid ang luha sa mga mata ni Tonton, apparently a sign of paternal excitement about the coming of another bundle of joy. However, kumpara raw sa unang pagbubuntis ng aktres, her current pregnant state is a bit more difficult, that explains kung bakit nagkaroon si Glydel ng spotting recently.

And as in any pregnant mother who experiences such pre-natal discomfort, complete bed rest ang inirekomenda ng OB-Gyne kay Glydel, that she needs to raise her feet up high most of the time. In fact, ayon mismo sa manager ni Glydel na si Lolit Solis, the actress had to chicken out of a regular TV assignment that would require taping in China dahil nga sa maselang kalagayan nito.

FOR PURPOSES OF hitting two (love)birds with one stone, heto ang mga dapat abangang couples this week!

Exchanging I do’s in the world of wolves and vampires ay ang relasyong Mateo-Lia sa Imortal. Pero just when you think they’re headed for an immortal marital bliss ay may prophecy na haharang sa kanilang misyon para manaig ang kapayapaan sa kanilang lahi.

Running for almost half a year with consistently high ratings to boot, mixed emotions get the better of its principal stars John Lloyd Cruz and Angel Locsin. Masayang malungkot. Masaya dahil kakaiba nga namang putahe ang ipinatikim sa kanila ng ABS-CBN, malungkot in the sense that the cast’s family-like bonding had to end.

Samantala, talk about real-life wedding, royal at that. TV5 accords us the VIP pass to the most comprehensive coverage ng kasalang Prince William at Kate Middleton via Ang Kasalang Royal at the Westminster Abbey this April 29.

Partnering with ITN (Independent Television Network) in UK, TV5’s most respected broadcast journalists Cheryl Cosim and Cheri Mercado have already churned out blow-by-blow accounts of the century’s biggest wedding event next to Prince Charles and Princess Diana less than 30 years ago.

Kasalang Mateo-Lia at William-Kate from different worlds yet with the same undying love and commitment for each other, isa lang ang ibig sabihin… LCA.

Love Conquers All. Puwede ring Let Channels Antagonize!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

One thought on “Due to delicate pregnancy: Glydel Mercado had to chicken out regular TV assignment

  1. Gusto ko itong si Glydel at Tonton, mga low key, salamat naman at si Tonton hindi naging pareho ang ugali sa mga brothers at sister nyang mga Gutierrez. Thank you Lord and please don’t change Tonton. Stay humble and simple.