Dudulog sa Facebook at Twitter Koko, Nagmamatigas

 

HINDI PA rin handa si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na makasama sa senatorial ticket para sa 2013 midterm elections si dating Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Ayon kay Pimentel na naninindigan siya sa kanyang prinsipyo na huwag makasama ang taong naging dahilan upang hindi siya agad makaupo sa Senado.

“Malabo pa rin pong ako’y pumayag na makasama si Zubiri sa senatorial slate, pero bago ko gawing opisyal ang aking desisyon ay mangongunsulta din po ako,” ani Pimentel.

Matatandaang pormal na inanunsyo kahapon ng UNA na bahagi na ng senatorial line-up ng partido si Zubiri.

Bagama’t ‘di pabor si Pimentel dito, sinabi niyang hindi pa rin siya aalis sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban), na partidong itinatag ng kanyang ama.

Maghahanap siya ng iba pang solusyon na hindi nangangailangan ng pag-alis niya sa partido, saad ng senador.

Sakaling wala pa ring magandang resulta sa mga hakbang ni Pimentel, handa umano siyang tumakbo bilang independent candidate.

Samantala, kasama sa mga opsyon ni Pimentel ay ang komunsulta sa mga kapartido at iba pang kaibigan sa pulitika.

Dahil dito, gagamitin na umano ni Pimentel ang social media tulad ng Facebook at Twitter upang isangguni sa may 11 mil-yong bumoto sa kanya kung ano ang dapat maging posisyon tungkol sa isyu.

Samantala, may dalawang linggo pa para mag-desisyon ang senador tungkol sa usaping ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.