Ducut, ‘di bababa sa pwesto

HINDI MAGBIBITIW sa pwesto ang pinuno ng Energy Regulatory Commission (ERC) na si Zenaida Ducut sa gitna ng mga akusasyon sa kanya.

Base sa naging pahayag ni Ducut. “The professionalism and reputation of the entire ERC organization is at stake here and I will not abandon but will lead my people to what is proper and appropriate”.

Kasunod ito ng paghain ng reklamo ng grupong Akbayan sa tanggapan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ukol sa pagpapabaya ni Ducut sa tungkulin.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa Palasyo sa pagiging maingat at hindi padalos-dalos.

“I thank the President and Secretary (Herminio) Coloma for not quickly passing judgment based on the complaint alone and for affording me the right to due process. I will answer the complaint filed against me as soon as I receive a copy from Malacañang.”

“The ERC will not be drawn into any name calling, hasty and emotional statements, as we do not seek publicity nor self-serving positions or aspirations, unlike some detractors who are using this issue for self aggrandizement,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Presidential Communications Secretary Coloma na isa ang voluntary resignation sa mga opsyon na pwedeng gawing hakbang ni Ducut.

Kasama ng OP na may “concurrent jurisdiction” sa nasabing kaso kontra kay Ducut ang Office of the Ombudsman.

Una nang inihayag ng Malacañang na due process ang paiiralin sa usapin.

Personal naman aniyang tinututukan ng punong ehekutibo ang kaso ukol sa umano’y sabwatan na nagresulta na iniambang dagdag-singil sa kuryente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.