Dubsmash King Teejay Marquez, makasasama na sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz

: Teejay Marquez Contract Signing With Aficionado Germany Perfume With Joel Cruz – President; And Lambert Lopez – General Manager

: Teejay Marquez Contract Signing With Aficionado Germany Perfume With Joel Cruz – President; And Lambert Lopez – General Manager

ANG DUBSMASH King na si Teejay Marquez ang pinakabagong dagdag sa lumalaking pamilya ng Aficionado Germany Perfume. Kaya naman makasasama na ni Teejay ang mga Aficionado Germany Perfume endorsers na sina Sarah Geronimo , Pauleen Luna, John Lloyd Cruz, Erich Gonzales, atbp.
Pumirma bilang ambassador ng Aficionado Germany Perfume nang 18 months si Teejay sa opisina ng Aficionado Germany Perfume last August 5, 2015 with President/ Ceo ng Central Affirmative Informative Inc., makers of Aficionado Germany Perfume na si Sir Joel Cruz at iba pang bosses na sina VP/COO Remar de Leon, VP for Operations Ernie Laurente, General Manager Lambert Lopez, Mam Avic Cruz, Sir Gary, pati kina Sir Roy, Sir Bert, Mam Ems, at Sir Nesler.
Pasasalamat daw ang gustong iparating ni Teejay sa mabait at very generous na si Si Joel sa pagpili sa kanya para maging ambassador ng sikat na pabango at colonge sa bansa, ang Aficionado Germany Perfume.

Jhaiho
Jhaiho, kasama sa buong tour ni Teen King Daniel Padilla

VERY BLESSED at bonggang-bongga ang DJ/ comedian, at napakabait at humble na si Jhaiho dahil sa dami ng magagandang proyektong dumarating sa kanya lately.
Bukod sa regular itong napanonood sa number 1 teleserye sa bansa na Pangako Sa ‘Yo bilang si Coring, ang beking manghuhula at kaibigan ni Angelica panganiban, kung saan marami ang nakapapansin ng kanyang kahusayan bilang komedyano, makakasama naman siya at magsisilbing host sa road tour ni Teen King Daniel Padilla, ang “DJP Road Tour” na magsisimula sa Aug. 29 – Batangas; Sept. 19 – Cebu; Oct. 10 – Naga; Nov. 7 Davao.
Bukod pa rito ang out of the country nito sa Oct. 3-8 sa Sydney, Australia with Derek Ramsay’ at sa
Oct. 23-27 (USA). May hotspot  din ito sa Facebook page ng ABS-CBN Monday to Sunday at may radio program ito  sa MOR 1019.

Joel-Cruz-with-TwinsKambal na lalaki ang magiging anak ni Joel Cruz

KAMBAL NA lalaki raw ang ini-expect na dagdag sa pamilya ng Lord of Scents na si Sir Joel Cruz ngayong November.
Ayon nga ka y Sir Joel, “Twins ulit ang ini-expect kong baby sa November, pero this time, parehong lalaki ang kambal ko.” Ito ang naging pahayag ng Lord of Scents na si Sir Joel Cruz kaugnay sa nalalapit na pagkakaroon nito ng another babies.
Dagdag pa nito,  “Kung gaano ako ka-excited noon ng ipanganak sina Prince at Princess ganun din ako ka excited sa baby boys ko. Ilang buwan na lang makikita ko na sila at makikita na rin sila ng kanilang kuya at ate. Hahaha! Kaya madaragdagan na naman ang pamilya namin, bale apat na ang anak ko, 3 boys at 1 girl.
Katulad daw ng ginawa niyang pagpapalaki kina Princess at Prince, ganun din daw ang gagawin niya sa bagong anak na kambal.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.