DTI, inutil sa pagtaas ng presyo ng school supplies

MISTULANG INAMIN NG Department of Trade and Industry (DTI) na tali ang kanilang kamay sa pagtaas ng presyo ng kagamitang pang-eskuwelahan ngayong pagbubukas ng mga paaralan sa Hunyo.

Kasunod ito ng ulat na tumaas nang piso hanggang dalawang piso ang mga pangunahing kagamitan gaya ng pad paper na ginagamit ng Grade 1 to 4, notebook at lapis na kilalang brand.

Sa pag-iikot ng writer na ito sa Divisoria, ang ordinaryong pad paper para sa elementarya ay naglalaro sa halagang P10 hanggang 12.50, ang intermediate pad ay nasa P22.50 na at ang notebook na may plastic cover ay tumaas ang presyo ng piso hanggang 1.25, ang kilalang brand ng lapis ay tumaas rin ng piso bawat isa.

Ipinaliwanag naman ni DTI Usec. Zenaida Maglaya na bagama’t nagtaas ang halaga ng materyales, posibleng ang pagtaas ng langis at gasoline na ginagamit sa transportasyon ang dahilan ng ilang negosyante.

Nagbabala rin ito sa mga negosyante na nagtaas ng halaga ng school supplies dahil wala pang abiso ang ahensya na baguhin ang presyuhan ng papel, bags, at ilan pang mga kagamitan sa paa-ralan sa pasukan ngayong Hunyo.

Tiniyak pa ni Maglaya na sisimulan na nila ang pag-iikot sa iba’t ibang tindahan ng school supplies upang kontrolin ang mga mapagsamantalang negosyante. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.