DSWD, Itinangging Namahagi ng 4Ps Registration Forms Noong Eleksyon

MARIING ITINANGGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng registration forms para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong panahon ng eleksyon.

Sinabi ito ng kagawaran matapos makatanggap ng ulat ukol sa umano’y insidente ng pamamahagi ng registration forms ng 4Ps na may logo pa ng Liberal Party (LP) at National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Base sa opsiyal na pahayag, “We did not distribute registration forms for Pantawid Pamilya during elections.”

Umapela naman si DSWD Secretary Dinky Soliman sa publiko na isumbong sa kanila ang mga kandidato o grupong ginamit ang programa noong kampanya para masiyasat.

Maaalala na may kinalaman sa 4Ps ang reklamo noon ni Wimpy Fuentebella sa kalabang si Aga Muhlach sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur.

Samantala, sinabi ni Fuentebella na ginamit ni Muhlach ang programa upang makakuha ng suporta. Idinawit pa aniya nito ang pangalan nina Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Soliman na nagbigay ng basbas sa registration.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.