DSWD, Itinangging Nagiging Tamad ang mga Pinoy dahil sa CCT

PINABULAANAN NG Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lumabas na pag-aaral na umano’y lalo lamang naging tamad ang mga Pilipino dahil sa conditional cash transfer (CCT) program ng pamahalaan.

Ayon kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman, base sa kanilang “impact evaluation”, nagkaroon aniya nang pagbabago sa pamumuhay ng mga beneficiary families sa nakalipas na limang taon ng programa.

Maliban dito, nabigyan din umano ng oportunidad ang mga pamilya para baguhin ang kanilang pamumuhay.

Una rito, lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na hindi umano epektibo ang anti-poverty program ng administrasyong Aquino para maiangat ang pamumuhay nang mahihirap na pamilyang Pinoy.

Binanggit din sa naturang pag-aaral na mas umaasa ang mga program beneficiaries sa tulong ng pamahalaan sa halip na maging kuwalipikado ang mga ito para magkaroon ng trabaho.

Samantala, sa ilalim ng programa, tatanggap nang buwanang cash grants ang mga indigent families na mayroong mga anak na nasa 14-anyos ang edad o mas mababa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.