DSWD: Ilang Babaeng Bihag ng MNLF, Pinagsamantalahan

KINUMPIRMA NG Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may ilang babaeng bihag ng MNLF na pinagsamantalahan.

Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, ang mga babaeng nakaranas ng pangmomolestiya ng MNLF ay sasailalim sa psycho-social debriefing na hanggang ngayon ay natatakot pa.

Kukunan din ng affidavit ang naturang mga biktima para sa gagawing pagsasampa ng kaso laban sa mga rebeldeng MNLF.

Inihayag pa ni Sec. Soliman na umaabot na sa 21,942 pamil-

ya o 109,386 ang apektado ng sagupaan sa Zamboanga City.

Tinitiyak din ng kalihim na sapat ang tulong para sa mga apektadong residente at walang-humpay ang pagtatrabaho ng kanilang mga social worker para maipahatid ang tulong.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.