DSWD, ‘di big deal ang itinapong relief items

IPINALIWANAG NI Social Welfare Sec. Dinky Soliman na taliwas sa naglabasang ulat, hindi ‘truck-truck’ kundi ilang sako lamang ng mga ‘Yolanda’ relief items ang itinapon dahil sa pagkakabulok.

Inihayag ni Soliman na base sa resulta nang iniutos na pagsisiyasat, napag-alamang nasa isang sako ng biskwit, isang sako ng used clothings, kalahating sako ng bigas at 10 noodles ang ipinatapon matapos mabulok sa pagkakabasa sa ulan.

Sinabi ng opisyal na iniutos na niya ang pagrerepaso ng mga patakaran sa storage para hindi maulit mabulok ang mga relief goods at mapabilis ang pamamahagi sa kinauukulang biktima.

Nakapagpaliwanag na rin umano si Soliman sa United Nation World Food Program (WFP) na unang nagpahayag ng pagkabahala sa naturang balita.

Naunawaan naman daw ng UN ang kanyang paliwanag at muling kakausapin ngayong araw.

Samantala ayon kay Soliman, nagpapatuloy ang kanilang cash-for-work program kung saan binabayaran ang mga walang trabaho sa paglilinis sa mga bukirin at mga pagawaan para maibalik ang mga dating pangkabuhayang winasak ng kalamidad.

“Opo. Inassure natin ang United Nations na aming sinusubaybayan at binibigyan ng technical assistance ang Palo (Leyte) upang ma-improve ang storage. Na-assure naman po ang UN at muling kakausapin sa Lunes para mapakinggan kung meron pa silang ilang suhestiyon,” pahayag ng opisyal.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.